Friday, April 24, 2020

No Makulit! Pinoy sa Dubai Pinagbawalang Pumitas Ng Malunggay

Tags



Dito sa Pilipinas, dahil napakarami namang punong malunggay na tumutubo sa ating mga bakuran at kung saan saan, libre kang mamitas o kung may nagmamay-ari man sa puno ay pwede kang humingi. 

Masarap kasing gamitin ang dahon at bunga nito bilang pansahog sa ulam lalo na't punong puno ito ng nutrisyon. Kaya naman sa Dubai ay nagsimula na ring magtanim ng malunggay ang ilang mga residente doon.

Viral ngayon sa social media ang isang panawagan sa Pinoy na nakapaskil sa isang maliit pa na puno ng malunggay.

Ibinahagi ng netizen na si Edmund Jadol sa isang Facebook post ang larawan ng ng paskil na di umano ay panawagan sa makukulit na Pinoy na pilit pumipitas ng malunggay doon sa maliit na puno.

Nakasulat sa paskil,

"Filipina, Pls. no picking malunggay still young this tree. No makulit. Thank you."

Samantala, nagbigay rin ng paalala si Jadol sa ating mga kababayan na nandoon at sinabi na,

"Mga kabayan! Haha. Let's not pick the malunggays sa Dubai hahaha wala kayo sa Pinas! Alam na alam na kayo kumukha hahaha. Marami naman niyan sa fish market baka 1dhs lang isang tumpok nyan hehe. Naka identify yung nationality naten oh oist! Haha. Baka isipin nila lahat ng Pinoy after sa Malunggay nila hahaha."

Alam siguro ng mga taga Dubai na mahilig talaga sa malunggay ang mga Pinoy kung kaya't sila ang pinagsabihan na huwag munang pipitasin ito. Mainam rin naman kasi na lumaki muna ang puno upang mas lumago pa ito, dumami ang mga dahon at mamunga.

Hikayat ni Jadol na mayroon namang nabibili sa kanilang fish market na murang-mura lang ang isang tumpok kaysa na sungkitin ang hindi naman kanila. 

Nagviral naman ang post na ito ni Jadol at mayroong ilang mga kababayan na nagbigay ng kanilang mga komento tungkol dito.

"Wag kasing pitas lang ng pitas."

"Oo nga naman palakihin muna. Huwag makulit friendly message to a Filipina."

"Siguro tuwing friday sila kumukuha kasi monggo day pag friday."

"Malunggay izz life!"

Source: Facebook


EmoticonEmoticon