Thursday, April 23, 2020

Mabait Na Lalaki Inabutan Ng Pera Ang Isang Customer Sa Grocery, At Ito Naman Ay Agad Na Ipinambili Niya Ng Gatas Para Sa Anak



Sabi nga nila, basta darating na lamang ang grasya sa di mo inaasahang pagkakataon. Sa hirap ng buhay na ating nararanasan ngayon, maraming pamilya ang nagtitiis na lamang muna dahil nahinto ang mga hanap-buhay dahil sa quarantine.

Gayunpaman, bukod sa tulong na ibinibigay ng gobyerno ay mayroon pa ring mga mabubuting tao na handang tumulong sa kanilang kapwa. Mayroong mga nagsasagawa ng mga fund raising campaigns at kung ano-ano pa para makalikom ng mga donasyon para maibigay sa mga mas nangangailangan.

Nasaksihan ng isang netizen na si Marianne Ercillo ang kabutihang loob na ipinamalas ng isang lalaki sa kanyang kapwa habang sila ay nasa supermarket sa SM Southmall.

Bahagi ng netizen na habang naghihintay sila sa pila sa cashier ay mayroon siyang kaharap na isang lalaki na nakaputing t-shirt na suot at sa kabilang isle ay mayroon namang isang lalaking naka dark green. 

Marahil napansin ng lalaking nakaputi ang estado sa buhay ng lalaking naka dark green kaya naman nilapitan niya ito at basta na lamang nag-abot sa kanyang ng pera.

"I saw the guy in white lumapit kay manong na naka-dark green sabay discreetly nag-abot ng blue bills (1k peso bills, just not sure kung ilan)," wika ni Ercillo.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis ang lalaking naka-dark green at iniwan ang kanyang push cart. Matapos ng dalawang minuto ay bumalik raw ito at may dala-dala pang dalawang extra pack ng Bear Brand.

Binalikan niya ang lalaking naka-puti at nagpasalamat ito sa kanya at sabi,

"Maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni baby."

Hindi naman nakilala kung sino ang mabait na lalaki na nagbigay ng pera dahil suot-suot nito ang kanyang face mask. Ngunit maraming netizens ang pumuri sa kabaitang kanyang ginawa sa kanyang kapwa.

Hinangaan rin siya ni Ercillo at idinagdag sa caption,

"Kay sir na naka white, mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed, angels are among us. Kay manong na naka dark green, kapit lang po."

Source: Facebook


EmoticonEmoticon