Thursday, April 23, 2020

Grab Food Rider Ibinigay Na Lamang Sa Mga Frontliners Ang Kanyang Inabonohang Order Na Php1,200 Dahil Sa Panloloko Ng Kanyang Buyer


Napakahirap rin ng trabaho ng mga Grab food riders, dahil mayroon at mayroon talaga silang nakakasalamuha na mga cliente na bogus o kaya ay nanloloko lang at talagang hindi naman totoong babayaran ang kanilang orders.

Marami na ang mga istorya tulad nito, at dahil sila muna ang nag-aabono sa pagkain na inoorder ng kanilang buyers, sa bandang huli ay sila pa ang nalalagay sa alanganin lalo na't kapag biglaang kinansela ang order. 

Ibinahagi ng netizen na si Jobert Quiambao, na parte ng Emergency Response Team sa Southside Fire and Rescue sa Makati ang istorya ng isang Grab Food Rider na nagtanong sa kanila ng direksyon patungo sa address na kanyang hinahanap. 

Makalipas ang dalawang oras nang magtanong ito sa kanila ay muli itong napadaan. Tinanong ni Jobert kung nahanap ba ng rider ang address ngunit sa kasawiang palad, itinanggi na hindi daw kilala doon sa residence na iyon ang umorder sa kanya ng pagkain at hindi na rin daw ito sumasagot sa tawag. 

Sa madaling salita, isang bogus buyer o manloloko lamang ang umorder sa Grab rider. Tinanong ni Jobert kung magkano ba ang inorder at nag-presintang sila na lamang ang bibili.

Jobert: Hala! Ano po bang inorder? Magkano po ba yan at ako na lang ang bibili.. (Pabiro)
Rider: Seryoso boss? Army Navy po to' bale 1.2k+ (4 bags of chicken)
Jobert: Ay hindi ko po kaya... wait lang po.

Napagdesisyunan ng mga kasamahan ni Jobert sa rescue team na mag-aambagan na lamang sila upang mabili ang pagkain at para hindi masayang ang inabonohan ng rider.

Noong ibibigay na ang pagkain ay natanong ng rider kung frontliners daw ba sila. At sumagot sila na 'oo' dahil kasalukuyan silang naka-duty noon. 

Noong malaman ito ng rider ay kusa na lamang niyang ibinigay ito sa kanila at hindi na niya pinapabayad kahit na iginigiit ng rescue team na kuhanin na ni kuya rider ang kanilang pinag-ambagang pera. 

Rider: Sa inyo na lang po lahat to. Dalawa lang naman kami ng asawa ko sa bahay eh.
(iniaabot ang bayad)
Rider: Hindi na po. Sa inyo na po talaga yan. Saludo po ako sa mga frontliner tulad niyo.

Bilang pasasalamat ng mga rescue team sa kanya ay inabutan siya ng mga goods para kahit papaano ay may maiuwi siya sa kanyang asawa.

Hindi man ganoon kalaki ang kinikita ng isang rider ngunit mas pinili niya na makatulong sa kanyang kapwa lalo na sa mga frontliners. Saludo kami sayo Kuya Rider!

Source: Facebook


EmoticonEmoticon