Wednesday, April 22, 2020

Kapitan sa Palawan, Ipinamahagi ang Kanyang Sahod sa mga PWD at Solo Parent




Laking pasasalamat ng isang residente matapos matanggap ang tulong pinansyal ng kanilang kapitan sa Palawan. Ayon kay Elizabeth Abala Paguntalan, ibinahagi ng kapitan ang kanyang sahod bilang tulong sa mga PWDs at solo parent sa kanilang barangay. Sa mga larawang ibinahagi ni Elizabeth, makikitang isa-isang inilalagay sa bawat sobre ang perang ipamamahagi ng kapitan.

Bukod kay kapitan Galla, nagbigay rin umano ng tulong ang apo nitong pulis na si Police Officer Jobeth Galla. Kaya naman nagpapasalamat ang mga residente ng Barangay Bagong Sikat, Narra, Palawan dahil sa tulong na ipinaabot ng kanilang kapitan para sa mga PWDs at solo parent. Dahil sa lahat ng Pilipino ay apektado ng COVID-19, marami ring public officials at mga indibidwal ang kusang tumutulong.





Kahit ang lokal na pamahalaan ay nagpaabot na rin mga relief goods bilang tugon sa mga mamamayang nahihirapan dahil sa enhanced community quarantine. Maraming magandang naidulot din sa buhay ng mga mamamayan natin ang Enhanced Community Quarantine, dahil natuto silang magbigay ng mga oras nila para sa kanilang mga pamilya.

Natuto din ang mga mamamayan na hindi gumala at magtipid at pagkasyahin kung ano mang pera ang kanilang meron upang mabuhay sa araw araw. Natuto din ang mga Pinoy na magkaisa at magtulungan lalo na sa oras ng pangangailangan. 


EmoticonEmoticon