Sa panahon ngayon, pahirapan na talagang makahanap ng pera lalo na ang mga trabaho ay pansamantalang natigil. Kaya sa gustuhin man natin o sa hindi, ang ilan sa ating mga kababayan na arawan ang sweldo ay hirap makahanap ng pera at umaasa na lang din sa ayudang ibinibigay sa kanila.
Ibinahagi ng isang netizen na si Shang Marquez sa isang Facebook post ang nakakaawang kwento ng matandang mag-asawa na ang hanap buhay ay pangangalakal. Dahil sa hirap ng buhay ay wala silang kita ngayon, at kung meron man ay barya-barya lamang.
Bahagi ni Marquez na napansin niyang araw-araw ay bumibili ng dalawang pirasong chitchiryang 'bangus' ang matandang lalaki sa kanilang sari-sari store at noong minsan ay sinamahan pa siya ng kanyang asawa.
Nag-alangan pa noon ang mag-asawa kung bibilin pa nila iyong chitchirya dahil dadalawang piso na lamang ang kanilang natirang pera. Napag-alaman rin ni Marquez na ang bangus chitchirya na binibili ng mag-asawa ay ang lagi nilang ginagawang ulam.
Kwento ni Marquez,
"Nangangalakal lang yan si Tatay para lang may makain sila mag-asawa, dalawa na lang sila ng asawa niya. Kaya kanina inabangan namin siya na dumaan at bumili ulit sa tindahan namin para maibigay tong konting tulong na to. Tas pag hawak ni tatay don sa binibigay namin halos nanginginig siya at nanghina sa sobrang tuwa. Nakakaiyak siya kanina."
Tanong raw ng biyenan ni Marquez sa matanda, "Tay dati lagi kang bumibili sakin ng monday bat ngayon hindi na. Sagot ng matanda, "Wala na kase pera eh," habang bakas ang lungkot sa kanyang mukha.
Isang araw ay mag nagbigay ng relief doon sa kanila ngunit si Tatay ay hindi nakakuha dahil nagkakagulo na rin ang mga tao. Hindi na rin siya nakipagsiksikan pa dahil hindi na rin kaya ng kanyang katawan lalo na't hirap na rin siyang maglakad. Kahit walang wala na siya ay hindi na siya nakigulo sa mga ayuda.
Panawagan ng netizen sa mga kinauukulan na sana ay mabigyan ng tulong ang mag-asawang matanda.
Source: Facebook
EmoticonEmoticon