Nakuhanan ng larawan ang isang babae matapos itong makitang nanlilimos sa kalye at gumawa ito ng paraan upang masunod ang patakaran ngayon ng social distancing sa COVID. Idinugtong nito sa kahoy ang isang maliit na plastic upang hindi niya kailangang lumapit sa mga tao. Subalit ang pagpapalaboy laboy nito sa kalye ay hindi parin tama dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Laging paalala sa atin ng mga eksperto na magkaroon ng social distancing sa isat-isa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID. Ipinatutupad ito kahit saan maging sa mga sasakyan at pampublikong lugar. Kaya ang bawat mamamayan ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang paraan upang masigurong nasusunod ito.
Sa mga supermarket, nilalagyan ng marka ang sahig para maging palatandaan ng mga mamimili lalo na kapag pumipila sa pagbabayad. Ang mga TV reporters, naglalagay na ng mga mga extension sa mikropono upang makapagtrabaho pa rin kahit na nakadistansya sa iniinterbyu. Nabago na nga ang ating buhay dahil sa social distancing.
Kahit ang mga nanlilimos ay kasali rin rito. Saksi ang isang netizen sa paggawa ng paraan ng nanghihingi ng limos sa daan. Ipinost ni Shandee Perfas Diendo ang mga larawan na nakuha niya habang binabaybay ang kahabaan ng kalye sa GenSan. Sa may stop light diumano lumapit ang lalaki sa nakatigil na sasakyan at iniabot nito sa bintana ang isang lalagyan na nakadugtong sa halos isang metrong patpat.
EmoticonEmoticon