Nakapukaw at napansin ng mga netizens ang ibinahaging ito na litrato ng Boracay Island na nagpapakita ng kalagayan nito ngayon. Makikita na kasi ngayon ang tunay na ganda ng isla dahil sa nawalang mga turista at mga saradong establisyimento sa lugar. Ayon sa uploader ng mga litrato, nagmistulang, “surreal” ang isla dahil na rin sa katahimikan at kapayapaan nito.
Makikita ngayon sa social media ang iba’t ibang litrato ng kalagayan ng kapaligiran sa Maynila habang sumasailalim sa enhanced community quarantine. Ngayon kasi ay mas maaliwalas na ang mga kalsada at mas tanaw na ang mga lugar na hindi namna dati nakikita. Sa pagkawala ng mga pampublikong transportasyon at pagkonti ng mga sasakyan sa kalsada, kasabay pa ng hindi paglabas ng mga Pinoy sa kanilang bahay, nabawasan ang polusyon sa buong Maynila.
Ngunit hindi lang ang lugar ng Maynila ang nagkakaroon ng mabuting kalagayan dulot ng quarantine. Sa facebook post, na ibinahagi ng isang netizen, ipinakita rin ang nakakamanghang pagbuti ng isa sa mga tourist destination dito sa bansa: ang Boracay Island. Sa mga litrato na ibinahagi ng uploader na si Fritz Mendez, makikita ang kanilang lugar sa Boracay at maaninag dito ang mas lalong gumandang kapaligiran sa isla na nagmukha nang paraiso!
Ayon sa uploader, nakakapanibago umano ang kapayapaan at katahimikan sa isla ng Boracay na karaniwan ay dinadagsa ng mga turista mula sa uiba’t ibang bansa. Ngunit dahil sa ECQ ngayon, hindi lang tumahimik ang lugar kundi bumuti na rin ang kalagayan ng kapaligiran nito.
EmoticonEmoticon