Sunday, April 26, 2020

Pamilya Sa Bulacan, Namigay Ng Mga Bangus Mula Sa Kanilang Palaisdaan At Sinamahan Na Rin Ng Bigas

Tags


Sa panahon ng krisis na nararanasan ng ating bansa, makikita pa ring ang pagbabayanihan ng mga Pilipino. Nakakatuwang isipin, na kahit hirap ang karamihan sa mga pamilya ngayon ay marami rin namang mga tao na handang tumulong sa kanilang kapwa. 

Isang patunay na lamang ang isang pamilya na ito na taga Malolos City sa Bulacan. Ang nasabing pamilya ay mayroong sariling palaisdaan pero imbes na ibenta ang kanilang mga nahuling bangus ay pinili nila na ipamigay na lamang ito sa kanilang mga kabarangay.

Ibinahagi ng Facebook page na Balitang Bulacan ang larawan ng mga banye-banyerang isda na nakasakay sa isang trak. Makikita na ipinagkaloob ang biyayang ito ng JVR Consignacion at Pamilya.

Caption ng post,

"Umuulan ng Bangus!

Isang pamilya ang inani ang kanilang bangus at ipinamigay sa mga kabarangay nito sa Panasahan, City of Malolos at sinamahan din ng bigas!

Thank you JVR Consignacion at Pamilya."

Laking tuwa ng mga residente ng Panasahan dahil sa biyayang nakarating sa kanila. Ngunit hindi lamang dito nagtatapos, dahil bukod sa mga bangus na pinamigay ay sinamahan pa nila ito ng sako-sakong bigas. 

Makikita rin ang mga residente na naglabas ng kani-kanilang mga upuan na may nakadikit na claim stub upang doon ilagay ng mga taong namimigay. 



Ipinaabot naman ng mga nakatanggap na residente ang kanilang taos pusong pasasalamat sa tulong na ito. Dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang kakainin sa darating na mga araw.  Kahit pili lang daw ang mga pamilya nabigyan, ang ilan sa mga nakatanggap ay namahagi naman raw sa kanilang mga kapitbahay. Narito ang ilang komento ng mga netizens.

"Hard situation brings out the innate compassion and kindness from within humanity. Thank you po."

"Salamat po sa malalaking bangus at bigas."

"Salamat po sa biyayang pinagkalooban ninyo sa amin. Nawa'y pagpalain pa po kayo ng Poong May Kapal. Salute!"

"Keep up the good work JVR Family!"

Source: Facebook


EmoticonEmoticon