Sa isang siyudad sa Agusan Del Sur, nadiskubre ng isang residente ang isang dambuhalang kamote na nasa timbang na 15 kilos. Ang kamoteng ito ay hindi na niluto ng nakakakita at balak isangguni sa Department of Agriculture para ipasuri. Kakaiba ang laki ng kamoteng kahoy na ito at hindi sigurado kung ligtas kainin.
Ano-ano nga bang mga prutas ang malalaki? Kung iisipin, kakaunti lamang ang mga prutas na malalaki ang sukat, tulad ng pakwan. Ngunit alam mo bang kamakailan ay may natagpuang kamoteng kahoy na hindi normal ang laki? Sa facebook post ni Jhungie Soronio Librias, ibinahagi niya ang natagpuan niyang kamoteng kahoy na halos ay kasing haba na ng mga binti ng tao.
Nang kiluhin, ang nasabing kamoteng kahoy ay mayroong bigat na umaabot ng 15 kilo. Ang dambuhalang kamoteng kahoy na ito ay natagpuan sa Sitio Wilderness sa Mt. Carmel sa siyudad ng Balugan sa Agusan Del Sur. Sa kuwento ng uploader, pumunta umano siya sa Sitio Wilderness upang kumuha sana ng gulay na maluluto. Ngunit laking gulat niya nang ang higanteng kamoteng kahoy ang kaniyang natagpuan.
Nagulat si Jhungie nang makita ang kamoteng kahoy dahil sa hindi normal ang laki nito kumpara sa mga normal na karaniwang kamoteng kahoy na kinakain. Ang kamoteng kahoy din na ito ay may haba umanong isang metro. Kinuha ito ni Jhungie mula sa lugar kung saan niya ito natagpuan at sinakay sa kaniyang motor at dinala sa kanilang bahay.
EmoticonEmoticon