Thursday, January 20, 2022

Lolo Narding inilahad ang dahilan ng pagpitas niya ng mangga: "Ipambibili ng pagkain, bigas"

- Sa isang ekslusibong panayam ay ibinahagi ni Lolo Narding ang dahilan ng pamimitas niya ng mangga

- May lumapit umano sa kaniyang mamimili at bibilhin ang mangga sa halagang P1,000

- Dahil sa kagustuhan ni Lolo Narding na makatulong sa pamilya ay namitas siya sa puno ng mangga na kaniyang itinanim

Sa isang ekslusibong panayam ng News 5 kay Lolo Narding Floro, ang matandang nakulong dahil sa pamimitas ng mangga, ay ibinahagi nito ang dahilan ng kaniyang pamimitas.

"Kwento sa atin ni Lolo Nardo, may lumapit sa kanyang mga namamakyaw at nakisuyong magpapitas ng mangga. Pumayag daw siya sa halagang P1,000 para sa sampung kilong mangga. Hirap kasi sa buhay ang matandang binata at nakikisama lang sa bahay ng kapatid at mga pamangkin. Gusto lang daw sana niyang kumita nang kaunti para may pangkain," bahagi ng report.

Sa pagtatanong pa ay na-ikwento ni Lolo Narding na nais umano niyang ipambili ng pagkain ang mapagbebentahan sana niya ng mangga.

"Ipambibili ng pagkain, bigas, bibili lahat ng pagkain, wala kaming hanapbuhay," pagbabahagi pa ni Lolo Narding.

Ikinuwento pa niya na ang tatay umano niya ang nagtanim ng mangga sa ngayo'y binakuran ng lugar, nalulungkot umano siyang dahil sa tanim nila ay nakulong pa siya.

Kasalukuyan namang nakalaya ngayon si Tatay dahil sa pinagsamang mga ambag ng mga donor at polisya na pampiyansa.

Sa isa pang interview ng News 5 ay naka-usap na nila ang pamilya ng complainants ay ipinagdiinan nilang sa kanila ang puno ng mangga, sila ang siyang nagtanim umano ng mga ito. Ibinahahi rin nitong maaari nilang i withdraw ang kanilang kaso kung sakaling humingi ng tawad sa kanila si Lolo Narding.


EmoticonEmoticon