- Makakatikim na ng kulungan ang mga nambibiktima ng online harassment, isa sa ibinandera ni Korina Sanchez
- Magbibigay naman daw umano ng tip si Korina sa mga taong biktima rin ng mga bayarang trolls
- Sarkastikong sagot ni Korina ay tila masaya daw ang mga magulang ng nga trolls na ito dahil ang trabaho raw ay manira ng kapwa
Nagbabala na ang batikang brodkaster at host na si Korina Sanchez laban sa mga mapanirang bayarang trolls upang ipakulong ang mga ito.
Kaliwa't kanan kasi ang mga namba-bash sa social media upang sirain ang imahe at mam-bully ng isang tao. Kaya naman tila nakapag-desisyon na si Korina na mapapahiya muna ang mga trolls bago ito sumabak sa kulungan.
Muli sa kanyang Instagram account, nag-post ang host ng isang babala sa mga taong nagpapalaganap ng mga kasinungalingan gayun din ang pagtulong niya sa kung sino man ang mabibiktima ng online harassment.
Isa kasi si Korina sa mga online personalities na laging pinupuntirya ng mga masasamang trolls upang laitin at sirain sa kapalit ng malaking halaga.
Inilarawan niya ang mga ito gamit ang salitang “pathetic” na sana raw ay ayusin na nila ang sarili bilang buhay dahil kung tutuusin, maganda raw ang buhay nating lahat.
Kung makakaharap naman daw ng isang troll ay tutulungan niya ito sa pamamagitan ng “administrative and legal remedies” upang ikulong ang mga ito. Hindi rin nagpatinag si Korina at sinabing ipapa-hiya muna sila bago ipakulong.
Narito ang buong caption ng batikang brodkaster:
EmoticonEmoticon