Photo Credits: Neil Bote/ Facebook |
Katulad na lamang ng isang stroke survivor na ito na kahit sa kanyang kondisyon ay pinagpapatuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang isang 'walking hotdog' vendor.
Naibahagi sa isang Facebook post ng netizen na si Neil Bote ang kanyang paghanga sa isang lalaki na naglalako ng mga panindang hotdog sandwich. Kung mapapansin ay hindi pangkaraniwan ang kanyang ginagamit na gamit sa pagtitinda. Tila nakasuot ng metal na backpack na may parang mesa ang lalaki at doon ay nakalagay ang kanyang mga paninda.
Photo Credits: Neil Bote/ Facebook |
Ayon sa post ni Neil, ang "Walking Hotdog" project ay isang pangkabuhayang programa ng isang non-government organization.
"Salut to hardworking people like Mang Bobby mobile hotdog stand. He said this is "Walking Hotdog" project is a livelihood program for PWD run by foreign NGO. Mang Bobby is a stroke survivor."
Hinangaan ni Neil ang determinasyon at kasipagan ni Mang Bobby dahil kahit na sa kanyang kondisyon ay tinitiyak pa rin niyang may pangsuporta siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng paghahanap buhay sa marangal na paraan. Isang napakagandang halimbawa si Mang Bobby na dapat tularan ng mga taong tamad maghanapbuhay at umaasa na lamang sa iba.
Photo Credits: Neil Bote/ Facebook |
Makikita raw si Mang Bobby na naglalako paikot ikot sa may Reposo area sa Makati City. Araw-araw ay bitbit- bitbit niya ang kanyang mabigat na hotdog stand.
Wika ng isang netizen na hindi biro ang ginagawang paghahanap buhay ni Mang Bobby lalo na pa't nakakapagod at nakakangawit raw sa likod ang magbuhat ng ganitong uri ng stand at ilako pa ito araw-araw. Nawa'y maging inspirasyon raw sana sa iba ang kasipagan ni Mang Bobby.
EmoticonEmoticon