Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila |
Kung isa ka sa mga marunong mag-appreciate ng mga makalumang bagay ay tiyak na mabibighani ka sa mga lumang bahay na hanggang sa panahon ngayon ay na-preserve ang kanilang istruktura at kakaibang kagandahan. Bibihira na lamang kasing makakita ng mga ganito ngayon.
Labis na hinangaan ng mga netizens ang mga kuhang larawan ni Jay Patao na kanyang ibinahagi sa Facebook page na Memories of Old Manila. Naibahagi kasi niya ang ancestral house ng lolo ng komedyanteng si Joey De Leon.
Bahagi ni Patao na ang lumang bahay na ito ay ang Ramon Gonzales de Leon ancestral house na naitayo noong taong 1923 sa Malolos, Bulacan. At talaga namang nakakabighani ang ganda ng woodwork architecture nito.
Photo from: Joey De Leon/ Instagram |
Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila |
Idinisenyo raw ito na talagang swak sa klima ng ating bansa at ito ay naitayo sa Cigarillera St. na kalapit ng Malolos River na ngayon ay nagmistula ng parang kanal dahil sa napakaruming tubig.
Aniya, wala na raw nakatira doon sa bahay maliban na lamang sa caretaker at ang kanyang pamilya na hinayaan silang makapasok sa nasabing bahay upang kanilang ma-check at makita ang mga interiors nito at makakuha ng mga larawan.
Naitanong rin ni Patao kung maaari rin daw ba niya itong ibahagi sa social media at pumayag naman sila. Sa katunayan raw ay nais raw talaga ni Joey De Leon na makita ito ng mga tao at ma-appreciate ang kagandahan ng bahay at ang mga ala-ala nito.
Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila |
Dagdag ni Patao,
"The walls of the house were decorated with diplomas, sepia photographs of the residents of the past. There was a photo of a relative with Emilio Aguinaldo and the salwarts of Malolos at the time of the First Philippine Republic. Joey's grandfather, Ramon Gonzales de Leon was the first mayor of Malolos during the American occupation and served between 1903-1905."
Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila |
Makikita na talagang napreserve ang bahay maging ang mga kagamitan dito kahit na pa ilang taon na ang nakalipas dahil maayos at napakaganda pa rin nito. Tila bang ikaw ay nagbalik sa lumang panahon.
Namangha at hinangaan naman ito ng mga netizens at may nakapagsabi na tiyak na pinaglaanan talaga ng pamilyang De Leon ang mapanatiling nakatayo at maganda ang kanilang ancestral home.
EmoticonEmoticon