Wednesday, January 20, 2021

Mani Vendor Na Gamit Ay Sira Sirang Bisikleta Sa Pagtitinda, Nabibiyaan Ng Bagong Bike

 

Photo from: Franklin Ramos Mariscal/ Facebook, SIKAD TA BAI/Facebook

Naantig ang mga netizens sa istorya ng isang mani vendor na nakitang tulak-tulak ang kanyang bisikleta habang naglalako ng panindang mani.

Ibinahagi ang istorya niya ng isang Facebook user na si Franklin Ramos Mariscal. Aniya, na napukaw ang atensyon niya sa isang manong na naka-bike habang siya ay naglalakad sa may south bus terminal papauwi sa kanila. 

Noong una ay akala raw niya ay naglalakad lamang doon ang lalaki ngunit napag-alaman niya na ito pala ay nagtitinda ng mani. 

Pagtawid ni Mariscal sa pedestrian ay nilapitan raw ito ng mani vendor at naibahaging sumasakit raw ang kanyang likod dahil tinutulak lamang niya ang kanyang bisikleta kahit saan man siya magpunta dahil ang gulong nito ay sira na. 


Photo from: Franklin Ramos Mariscal/ Facebook


Nakilala niya ang lalaki sa pangalang Sisoy. Taga Badian raw ito at dating nagtatrabaho bilang isang security guard ngunit napagdesisyunang huminto na lamang ito at magnegosyo na lang sa pamamagitan ng pagtitinda ng mani.

Ulila na si Sisoy at wala rin siyang mga kapatid kung kaya't ang kanyang alagang aso ang kanyang tanging karamay. Kaya naman kahit siya ay naglalako ng paninda ay kasa-kasama niya ang kanyang asong si Puppylove. Ginawan niya ito ng telang duyan sa kanyang bisikleta para may maupuan ito.

Kwento ng tindero na araw-araw siyang nagtitinda ng mani gamit ang kanyang sirang bisikleta. 

Photo from: Franklin Ramos Mariscal/ Facebook


Panawagan ni Mariscal na kung sakaling makasalubong man ang mani vendor na ito ay bumili sana kayo sa kanya bilang tulong na rin sa kanya at sa alaga nitong aso.

Samantala, nang maipost ang kwento ni Sisoy sa online ay dumagsa naman ang nais tumulong sa kanya. Isa na rito ang isang online bike shop na kung saan ay binigyan siya ng bagong bisikleta. 

Photo from: SIKAD TA BAI/Facebook


Ani Mariscal,

"His new trisikad from SIKAD TA BAI, will be use for his small business for his rolling store and will be his shelter too since he has no house to sleep with. A week from now, it will be delivered to him."

Mayroong mabuting netizens rin na tumulong upang mapabakunaan ang kanyang aso.


EmoticonEmoticon