Monday, January 11, 2021

Anak Na Mahilig Sa Mga Computer Games, Suportado Ng Kanilang Tatay

 


Kung karamihan sa mga magulang ay nakukunsumisyon sa paglalaro ng computer o online games ang kanilang mga anak, ibahin natin ang isang ama na ito na suportado pa ang paglalaro ng kanyang mga anak.

Isang rason kasi kung bakit ayaw ng mga magulang na nabababad sa paglalaro ng online games ang kanilang mga anak ay dahil ang iba ay napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral. Minsan ay hindi na rin mautusan ang mga ito dahil sa abalang nakatutok sa screen o monitor.

Subalit, bahagi ng isang netizen na si TJ Laurel sa isang Facebook post ay suportado aniya ang paglalaro ng kaniyang mga anak. Caption niya sa post,























"Fantech user here at tatay na gamer kuno.. Supportado ko paglalaro ng mga anak ko, basta tapusin lang gawaing bahay at unahin pag aaral,, bawal din mga bad words.."

Dagdag pa niya na kuntento na raw sa second hand monitor ang gamit ng kaniyang mga anak basta naeenjoy nila ang paglalaro. 

Aniya na balang araw ay mga soon to be gamer ang kaniyang mga anak at streamer din. Basta tanging paalala niya na huwag lang silang manglait ng kanilang mga kalaro.

"Soon to be mga gamer yan mga anak ko at soon streamer din.. Wag lang sila maglait ng kalaro nila "ACE" sila sa kin."

Maraming netizens ang nagkomento na sana raw ay katulad ni Laurel ang kanilang mga ama na suportado rin sana sa kanila sa paglalaro sa online games. Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens.

























"Mas ok yan daddy idol. At least nakikita mong nag eenjoy at nasa bahay lang mga kiddos."- Jr Tap Onaip

"Nice!!! Gamer Daddy goals ko rin yan sir!"- Benson Sta Ana

"Mapapa sana all nalang ako namay ganyang tatay na suportado ang mga anak. Sana All."- Nelvin Medes Toro

"Sana lahat ganito ang mindset.. Pag talaga ako nagka pamilya na bastat stable na ang lahat ganyan din ipaparanas ko sa mga anak ko soon."- Romnel Trinidad Canaria

"You remind me of my parents. Suportado sila sa gaming life ko, basta pasado sa school at balanse lahat. Kahit sila gamer din, sakanila ako natuto, tuloy nyo lang po yan."- Maye Song



EmoticonEmoticon