Photo Credits: Facebook/ Lim Shiwen |
May mga taong patuloy pa rin ang kanilang pakikipagsapalaran para lamang mabuhay. Kahit na may edad na ay tinitiis nila ang araw-araw na hamon at pinagpapatuloy lamang ang kanilang paghahanap buhay kahit na kokonti lamang ang kanilang kinikita.
Katulad na lamang ng isang lolong ito na natagpuan ng isang netizen. Bahagi ng netizen na si Shiwen Lim na habang nagmamaneho siya ay nakita niya ang isang matanda na nakahinto sa gilid ng kalsada. Nagtaka siya kung ano ang ginagawa nito kaya niya ito hintuan at pinagtanungan.
Napagalaman niya na Boy ang pangalan ng matanda at nagiikot-ikot daw talaga siya para mamulot ng mga sira-sirang payong at saka niya ito kukumpunihin. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay kokonti lamang din ang nagpapagawa na sa kanya.
Photo Credits: Facebook/ Lim Shiwen |
Dati raw na nagtatrabaho sa construction ang matanda ngunit dahil sa kanyang edad ay huminto na siya kaya ang paggawa na lamang ng mga payong ang kanyang nagsisilbing hanap buhay ngayon sa loob ng tatlong taon.
Kada gawa niya ng mga sirang payong ay bente pesos lamang ang kanyang kinikita. At sa loob ng isang araw ay minsan ay kumikita lamang siya ng Php 150.
Taga Guagua, Pampanga ang matanda ngunit nakakarating siya kung saan-saan para maghanap ng mga magpapagawa ng sirang payong sa kanya. Ginagamit lamang niya ang kanyang bike para makapag-ikot ikot sa Pampanga at noong oras na iyon ay natagpuan siya ng netizen na si Shiwen sa San Fernando.
Noong tinanong siya ng netizen kung bakit hindi na lamang siya magpahinga sa bahay ay sinabi ng matanda na kailangan daw niyang maghanap buhay dahil sila na lamang ng kanyang ina na may edad na rin ang kanyang kasama.
Photo Credits: Facebook/ Lim Shiwen |
Photo Credits: Facebook/ Lim Shiwen |
Tinanong siya kung naniniwala ba siya sa Diyos at napabilib ang netizen sa paniniwala at pananampalataya nito kahit hirap ang kanyang dinaranas sa buhay.
Bilang tulong ay inabutan ni Shiwen ng isang libong piso ang matanda upang makauwi na at makapag-pahinga. Laking pasasalamat naman nito sa kanya at bibihira lamang daw mangyari iyon sa kanya. Kaya nagpasalamat rin siya sa Diyos dahil naging instrumento si Shiwen para matulungan siya.
EmoticonEmoticon