Saturday, August 1, 2020

Akala Ng Mga Kapitbahay May Lamay, Iyon Pala Ginawang Aquarium Ang Ataul Na Ito

Tags



Kilala ang mga Pinoy sa pagiging resourceful at malikhain. Minsan kahit ang isang bagay ay patapon na ay nagagawan pa nila ito ng paraan upang magamit ulit. Ika nga, "Sayang naman kung itatapon na lang."

Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na ang isang ataul na ito ay gagamitin hindi para lalagyanan ng isang taong wala ng buhay kundi gagamitin bilang isang aquarium!

Ibinahagi ng Facebook page na Papa ang larawang kuha ng isang netizen na kung saan ang isang kaba0ng ay nakalagay sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Saad ng post, "ANO BA NAMAN TONG KAPITBAHAY NAMIN AKALA KO MAY LAMAY HAHAHAHAHAHA AQUARIUM PALA."

Akala ng taong nakakita ay mayroong burol sa kanilang kapitbahay dahil malamang ang iisipin ng karamihan na kapag nakakita sila ng ataul ay mayroong taong namayapa. 

Ngunit kung titignang mabuti ay ginamit lamang nila ito upang gawing isang aquarium. Kita pa ang mga lumot na namuo at nilagyan ng net na ginawang parang divider. Upang hindi rin tumagas ang tubig dahil gawa ang ataul sa kahoy, ay nilagyan nila ito sa loob ng parang plastic. Instant aquarium nga naman! Hindi na rin kakailanganin ng oxygen para sa mga isda kung sakali dahil nakabukas naman ito sa taas.

Wala namang nabanggit kung nagamit na ba ang ataul o hindi. Maaaring nanghinayang lamang ang may-ari ng ataul kung kaya't imbes na itapon ay pinaggamitan na lamang ito sa ibang paraan.

Samantala maraming netizens naman ang naaliw sa post na ito at sinasabi na ang resourceful ng nakaisip ng ideyang ito. Ngunit mayroon namang netizens na kinilabutan kung sakaling makita nila ang ganito sa kanilang kapitbahay.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Aquarium ba kamo? Say no more."

"Ganito nalang para di na kailangan ng oxygen."

"DIY. Hahahaha."

"Ok yan sa mga bata, ayaw lumabas sa gabi takot sila."

Sino nga ba naman ang hindi kikilabutan o matatakot kapag nakakita ka ng isang ataul sa bakuran ng iyong kapitbahay lalo na't sa gabi at wala naman talagang burol?


EmoticonEmoticon