![]() |
Photo Credit: GMA Public Affairs/Youtube |
Hindi madaling trabaho ang pagiging isang construction worker, bukod sa init ng araw na tinatamo ay andiyan pa ang pangamba dahil sa pag-akyat sa mga scaffolding sa mga ginagawang gusali. Kung kaya't ang trabahong ito ay tinatatawag na trabahong panlalaki.
Ngunit mapapabilib ka sa isang ina na ito, dahil maging ang trabaho sa konstruksyon ay kanya na ring pinasok para lang may mapakain sa kanyang mga anak.
Sa isang episode ng Wish Ko Lang ay ibinahagi ang kwento ni Joan Diviva, isang ina na taga Laguna. Dati ay isa siyang fruit vendor at napangasawa ang construction worker na si Sherwin Lacao. Sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng tatlong anak.
![]() |
Photo Credit: GMA Public Affairs/Youtube |
Ngunit nang magsimula ang pandemya ay hindi na nakauwi ang kanyang asawa kung kaya't napilitan si Joan na kumayod mag-isa para mabuhay ang kanilang mga anak. Subalit ang kanyang negosyong pagtitinda ng prutas ay nalugi.
Dahil sa pangamba na baka malubog sila sa utang ay humanap si Joan ng ibang pagkakakitaan, at iyon na nga ay pinasok niya ang trabaho sa isang construction na sa kasalukuyan ay naghahanap sila ng mga trabahante.
Hirap at pagod man ang trabahong ito ay kanyang tinitiis habang patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang nanay sa kanyang mga anak. Sa tuwing tanghali ay uuwi pa siya sa kanilang bahay para magluto ng pagkain.
![]() |
Photo Credit: GMA Public Affairs/Youtube |
Natutunan niya kung paano umakyat sa mga matataas na scaffoldings at tiisin ang init ng araw sa tuwing siya ay nagtatrabaho sa construction site.
Sa tulong ng programang Wish Ko Lang ay sinundo nila ang kanyang asawa na si Sherwin na nasa Rizal at sinorpresa ang kanilang pamilya. Muli silang nabuo at biniyayaan pa sila ng mga pangangailangan upang muling makapagsimula at makabangon ang kanilang pamilya.
![]() |
Photo Credit: GMA Public Affairs/Youtube |
Wika ni Joan na sulit lahat ang kanyang ginawang paghihirap lalo na't para ito sa kanyang pamilya.
EmoticonEmoticon