Usap-usapan na naman ngayon ang aktres na si Kim Chiu matapos lumabas sa social media ang umano’y pagsasayaw nito sa gitna ng EDSA habang traffic. Sa kumakalat na video ni Kim, bigla itong lumabas ng sasakyan at sumayaw ng kaniyang kantang “Bawal lumabas.” Dahil na rin dito, paiimbestigahan umano ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Si Kimberly Sue Yap Chiu ay ipinanganak noong Abril 19, 1990 at siya ay isang Pilipinong Tsino na artista. Siya ang unang nanalong kalahok sa Pinoy Big Brother: Teen Edition, isang reality-show na ipinalabas sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang Chinese Cutie mula sa Cebu ng palabas. Inawit niya sa palabas pantelebisyong ito ang awiting Peng You na nangangahulugang kaibigan. Ipinanganak si Chiu sa Lungsod ng Tacloban, Leyte, Pilipinas. Lumaki at nagdalaga si Kim Chiu sa Lungsod ng Cebu. Kabilang siya sa mga aktres ng ABS-CBN na kamakailan ay nagsara.
Mabilis na nag-viral ang video at sinasabi pa na sa EDSA ito nangyari. Saad ni MMDA spokesperson Celine Pialago, para maging malinaw ang lahat ay iimbestigahan nila ito upang makumpirma kung ito ba ay totoo o hindi. Iimbitahan nila si Kim upang paliwanag ang kaniyang sarili at doon ay aaksyonan nila ito. Marami raw problema na kinakailangan pagtuunan ng pansin kaya naman yun muna ang balak gawin ng opisina ng MMDA
Samantala, itinanggai naman ni Kim ang mga alegasyon na sa EDSA siya sumayaw. Aniya, ‘fake news’ ito dahil sa isang parking lot ng restaurant ito nangyari. Ayon sa kaniya ang nagpakalat ng fake news na sa EDSA siya sumayaw ay isang kalokohan dahil sa takot nito na mahuli kung ito ay kaniyang ginawa.
EmoticonEmoticon