Kinaaliwan ngayon sa social media ang kakaibang face mask na gamit ng isang tatay na ibinahagi ng kanyang anak. Ibinida ni netizen Marianne Abelardo na taga San Pedro, Laguna ang kanilang gawang face mask kung saan agaw-pansin sa mga netizen. Ayon kay Marianne, sariling gawa nila ang face mask na character ang disenyo.
Aniya, maaari umanong mag-order sa kanila kung anong disenyo ang maibigan. Sa mga larawan, makikitang game na game naman sa pag-posing ang tatay ni Marianne kaya tuwang-tuwa rin ang mga netizen. Ayon kay Marianne, bagong gimik nila itong mag ama.
Dahil nasa ilalim na ng general community quarantine ang Metro Manila, marami ng tao ang nagsisilabasan ng kanilang mga bahay ngayon. Dahil sa nangyayari, inaaanyayahan lahat na magsuot ng face mask kapag lalabas ka ng bahay. Maaari na daw gamitin ang ganitong face mask na handmade pa.
Aliw na aliw ang mga netizen sa mga disenyo, marami na ring naging interesado na magpagawa. Samantala, umani na ng 16,000 reactions at 19,000 shares ang naturang post. Dahil sa kasipagan ng mag-ama, naging daan nila ang bonding at gimik na ito upang kumita ng extra pera ngayon quarantine habang wala pang normal na trabaho para sa lahat ng kababayan natin.
EmoticonEmoticon