Usong-uso na ngayon ang vlogging o ang paggawa ng mga videos tungkol sa iba't-ibang mga bagay upang i-upload sa Youtube. Sa ganitong paraan ay maaaring kumita ang isang vlogger kung siya ay makakarami ng views sa kanyang mga videos at subscribers sa kanyang channel. Isa sa mga kilalang personalidad na mayroong sariling Youtube channel ay si Jinkee Pacquiao, ang misis ng pambansang kamao at senador na si Manny Pacquiao.
October 21 ng taong 2019 nagawa ang Youtube channel ni Jinkee at mayroon itong 23 videos roon. Wala pang isang taon kung tutuusin ang channel na ito ngunit sa kasalukuyan ay mayroon na itong 640K subscribers na mabilis pang nadaragdagan kada oras.
Madalas nitong ipakita sa kanyang vlogs ang mga karaniwang ginagawa nilang mag-anak sa kanilang bahay, kagaya na lamang ng paglalaba at pag-aasikaso sa hardin kasama ang mga bata.
Minsan na rin nitong ipinasilip ang kanilang malaking bahay sa General Santos City at pati na ang bahay ng ina ni Sen. Manny na si Aling Dionesia o "Mommy D" kung tawagin ng madla.
Bilang pasasalamat ni Jinkee sa lahat ng kanyang mga tagasubaybay at sa mga susubaybay pa lamang sa kanya sa hinaharap ay inanunsyo nito sa kanyang Instagram account na mamimigay ito ng 100,000 pesos sa kanyang mga followers na nag-like, subscribe at nag-hit ng notification bell button sa link na kanyang ibinigay.
Ang pera na iyon ay pandagdag raw sa pamimili ng groceries at mga kagamitan ng mga bata sa darating na pasukan. Ito ay malaking tulong na rin sa kanyang mga followers at paraan na rin upang mas dumami pa ang kanyang subscribers, lalo na at nais niyang maabot ang 1 milyon na bilang ng mga ito.
Hindi pa malinaw kung paano ang magiging proseso sa pagpili ng mananalo at hindi rin sigurado kung ilan ang pwedeng makakuha ng premyong iyon, ang sabi lamang ni Jinkee ay dapat abangan ng mga followers nito ang susunod niyang announcement.
Sa kabila nito, isa lamang ang sigurado at iyon ay ang napakaswerte ng mga mananalo sa malaking pa-premyo na ito.
EmoticonEmoticon