Marami sa mga magulang ngayon ang nagdadalawang isip kung ieenroll pa ba nila ang kanilang mga anak sa darating na pasukan dahil sa pangamba na dulot ng pandemya. Gustuhin man ng mga bata na makapasok muli sa eskwelahan ay pansamantala munang ipinapatupad ang online learning at wala munang face to face.
Ngunit para naman sa mga kapus-palad na wala namang mga gadgets o internet na magagamit, hindi ibig sabihin nito na dapat ay mahinto na rin ang kanilang pag-aaral. Sa katunayan, mayroon pa rin namang paraan upang sila ay matuto. Halimbawa ay kapag tinuturuan sila ng kanilang mga magulang.
Hinangaan ang isang security guard na ito dahil nakita siyang tinuturuan ang isang bata na hindi naman niya kaano-ano kung paano magbasa at sumulat.
Binahagi ng netizen na si John Robert Flores ang mga larawan na kanyang nakunan sa may isang pawnshop malapit sa Arellano University sa Maynila. Caption niya sa post,
"LATE POST!
Napadaan kami sa Palawan pawnshop sa Arellano University. And spotted si kuyang security guard na tinuturuan nyang magbasa at magsulat yung bata nakakaproud lang kasi kahit di niya kaano-ano but still tinuruan niya pa rin kasi may busilak siyang puso. I salute you kuyang SG sana patuloy ka pa rin bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan.
Spread Love."
Ayon pa sa netizen ay hindi lamang isa ang mga bata na kanyang tinuturuan ngunit noong oras na kinuha niya ang larawan ay isang bata lamang ang kanyang nakunan ng letrato.
Dagdag pa ng ilang mga netizens na nakakakilala sa gwardya ay talagang mabait, magalang, palabati at palangiti ito. Di na rin nakakapagtaka kung bakit nilalapitan siya ng mga bata na nais matuto. Sa panahon ngayon, ay mayroon pa palang mga taong ganito na inuuna ang kapakanan ng kanyang kapwa kaysa sa kanyang sarili at walang hinihinging kapalit.
Sana ay marami pa ang maging katulad ni kuyang guard at maging inspirasyon pa siya sa mga batang kanyang tinuturuan.
Saludo kami sayo Kuya!
Source: Facebook
EmoticonEmoticon