Bilang proteksyon sa mga mag-aaral na papasok ngayong school year 2020-2021, nagpalabas ang mga eskwelahan ng iba't ibang paraan ng pag-aaral. Upang hindi mahinto ang edukasyon, pansamantala munang gagamit ng kakaibang paraan ng pagtuturo, ito ay ang online learning.
Ngunit para sa mga guro at batang gagamit ng online learning ay kinakailangan nila ng cellphone, computer at internet upang masagawa ang kanilang mga leksyon. Iyan ngayon ang isa sa mga pinoproblema ng karamihan sa mga magulang dahil kinakailangan pa nilang bumili ng gadgets upang may magamit ang kanilang mga anak sa pag-oonline learning.
Para sa ikabubuti ng anak, tiyak na ibibigay lahat ito ng kanilang magulang lalo na kung ito ay para sa kanilang edukasyon. Ibinahagi ng page na News5 Features ang larawa ng mag-ina na kuha ng isang netizen na si Mico Tan.
Ayon sa post ay naantig si Mico nang makita niya ang ngiti sa mukha ng mag-ina na nakaupo sa labas ng isang mall sa Muntinlupa City. Binilhan daw kasi ng nanay ang kanyang anak ng bagong cellphone mula sa perang kanyang kinita sa pagtitinda sa palengke.
Iba talaga ang pagmamahal ng isang magulang lalo na ang mga ina dahil kaya nilang isakripisyo ang lahat para lamang sa kanilang anak. Dagdag pa sa nasabing post ay, "Ready for online class na siya."
Malamang kaya binilhan ng nanay ng bagong cellphone ang kanyang anak ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan dahil karamihan sa mga eskwelahan ay gagamit muna ng online learning bilang makabagong paraan ng teaching and learning.
Naantig naman ang mga netizens rito ay nagbigay ng kani-kanilang mga komento:
"Na-touch ako I remembered my nanay before kahit gipit kami she will do everything just to provide my needs and sometimes my wants too. And now mother na din ako ginagawa ko din lahat para sa son ko. A mother's love the best talaga."
"Nakakaantig ganyang ang nanay gagawin lahat para sa anak."
"Aral ka ng mabuti kuya ha. Love na love ka ng nanay mo, sana balang araw, masuklian mo lahat ng paghihirap niya para sayo."
"Anak siguraduhin mong pang aral yan ha. Wag mong sayangin pagod ng nanay mong nag-ipon para sa gadget mo. Suklian mo ng masigasig na pag-aaral."
Source: Facebook
EmoticonEmoticon