Tuesday, April 12, 2022

Christophe Bariou, hindi alam na sikat na aktres si Nadine; Walang balak na itago ang relasyon?

- Ibinahagi ni Nadine Lustre na walang kaalam-alam noon ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isa pala siyang sikat na aktres sa Pilipinas

- Ayon din sa kanya, mayroon daw silang "common interests" kaya naman halatang-halata ang pagmamahal nila sa kalikasan at kapaligiran
 
- Wala naman daw silang balak ni Christophe na itago ang kanilang relasyon at tila naka-move on na sa hiwalayan nila ni James noong 2020

May chika ang Kapamilya star na si Nadine Lustre tungkol sa kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isang French-Filipino entrepreneur sa panayam sa kanya ng Monster RX93.1.

Matatandaang napabalita na noong August na ipinagpalit na umano ni Nadine ang ex-boyfriend niyang si James Reid taong 2021. January 2022 naman kinumpirma ni Nadine na may bago na nga siyang karelasyon.

Kwento ni Nadine sa nasabing panayam, wala raw talagang malay si Christophe na isa siyang artista dito sa Pilipinas. Dahil may pagka-ignorante umano ito kaya wala siyang kaalam-alam.

“He’s so ignorant when it comes to that so he doesn’t know anything. He didn’t know who I was,” ani Nadine.

“When I got back from Siargao, after that trip, he flew to Manila and that’s when we really like started hanging out.

“We just never stopped talking and I think that’s one of the things that I love about our dynamics.

“We always have something to talk about. It’s funny how in sync we are. We like the same things. We’re like two peas in a pod.

“We talk about a lot of stupid stuff. He loves memes, I love memes. He likes watching funny videos, I love watching funny videos. I learn a lot from him and with him it’s just always fun hanging out with him,” diin pa ng aktres.

Sa kabila ng nakakatuwang pahayag niya sa kanyang boyfriend, nilinaw din nito na wala naman silang balak na itago sa publiko ang kanilang relasyon. Alam din naman daw ng kanilang pamilya ang kanilang pag-iibigan.

“We’re always hanging out. People are always taking photos. I mean, it’s understandable because they’ve never seen me with someone else.

“So it’s kind of weird that I’m hanging out with this other dude so I get it. There’s really no intention of hiding it in the first place,” saad pa niya.

Monday, April 11, 2022

Cristy Fermin, may nasabi sa itsura ni Angel Aquino: “Sobra, lalake, tibo...”

- May komento ang kilalang kolumnistang si Cristy Fermin sa Kapamilya actress na si Angel Aquino

- Sinabi nitong mapa-lalaki't tibo ay talagang hahanga sa sa ganda ni Angel

- Bukod sa pagiging maganda, nabanggit rin nila na may respeto ang aktres at may katalinuhan din

Ipinag-diinan ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na may kagandahan talaga ang Kapamilya actress na si Angel Aquino na napapanood gabi-gabi sa 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Nabanggit din nina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Morly Alino ang pangalan ni Angel Aquino na nagkakaroon ng chismis umano na siya ay parte ng malaking community ng LGBT.

Pinuri naman ni Romel si Angel dahil sa itsura nito at sinang-ayunan naman agad ito ni Morly sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na!”.

"Napakaganda nito," sabi ni Romel

 "Ang ganda ng mukha." sagot naman ni Morly.

"Sobra, lalake, tibo... Ang ganda naman kasi ni Angel Aquino. Parang ang sarap niyang mahalin," ang sabi naman ng host na si Cristy Fermin.

Bukod sa pagkakaroon ng kagandahan, marespeto at matalino daw ang aktres kaya naman masarap itong kapanayam. Gabi-gabi naman siya napapanood sa Kapamilya sa 'FPJ's Ang Probinsyano' kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at Sharon Cuneta.

Sunday, April 10, 2022

Rita Avila, pinaparinggan 'di-umano ang supporters ni BBM; Pinangaralan ang mga anti-Leni

- May patama ang kilalang aktres na si Rita Avila sa mga anti-Leni na nagsasabing laos na umano ang mga artistang sumusuporta sa Leni-Kiko

- Hindi naman sinabi ng direkta ng aktres kung sinu-sino ang mga binabanatan niya ngunit base sa netizens ang mga loyalists ito ni Bongbong Marcos

- Diniin rin niyang may karapatan silang mga artista na pumili ng mga iboboto dahil mga Filipino rin naman sila

Habang papalapit na nang papalapit ang Halalan 2022, kanya-kanyang isip na ang mga kanya-kanyang supporters ng mga presidential candidates upang iparinig sa daigdig kung bakit nila iboboto sina Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos. 

Ang dalawa kasing ito ang pinakamaingay sa social media pagdating sa mga fans kaya naman kung minsan ay nagsasalpukan ang mga 'Kakampinks' at 'Apologists' kung sino nga ba talaga ang mas karapat-dapat na maupo sa pwesto.

Bilang Pilipino, nagvo-volunteer na rin ang mga tao na sumama sa mga campaign rallies ng mga kandidato kabilang na ang mga artista na dumadalo sa Leni-Kiko tandem. Habang sa ibang presidentiables naman ay may kumakalat na 'bayad' umano ang mga artista nila.

Marami pa rin sa ngayon ang mga trolls at mga haters na namimintas partikular na kay VP Leni Robredo. Tila lagi nitong tinitira, binababa, at sinasabihan ng kung anu-ano kasama na ang mga supporters nito.

Kaya naman hindi na nagpapigil ang beteranong aktres na si Rita Avila na banatan ang mga taong nagsasabi ng hindi magaganda sa mga artista na nagpapakita ng suporta kay VP Leni at Sen. Kiko. 

Nito lang April 8 ay sinagot na nito ang mga bashers sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram. Simula niya, “Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS.

“Mas laos ang mga nagpa follow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh,” ani Rita.

“Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan.

“Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.

“P.S. Kayo na ang SIKAT, ako ay simpleng tao lamang,” hirit pa niya.

Mayroon naman siyang naunang Instagram post na patama rin sa mga nambibintang sa kanila na 'laos' na umano sila.

“Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves.

“Sorry pero hindi lahat ay hanap ang maging SIKAT. Kahinaan ng isang tao ang gusto laging maging MALAKI sa mata ng mga tao.

“FAME? Masarap na mahirap yan. May sakripisyong kasama yan. Pwedeng mawala ang tunay na pagkatao mo. Nakakalunod. Minsan, di naman ganun kasaya.

“Pero kung marunong kang umahon at i-salba ang true persona mo, panalo ka,” diin niya.

“INSTANT GRATIFICATION? Ung dami ng fans? Lakas ng tili? Dami ng followers at likes sa socmed?

“Isama na natin ang INSTANT PERA na bayad para umattend kayo ng rallies o para iboto ang isang politiko? Parang ang SAYA ano?

“LUMILIPAS lahat yan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay manggagaling sa kapayapaan ng kalooban dahil nakatuntong ka sa lupa, nagmamahal at minamahal, tumanda na napagbuti ang sarili sa mga pinagdaanan.”

“Magnilay mga kapatid at anak kong Pilipino. Sa eleksyong ito, hawak mo ang sarili mo. Ikaw ang maghuhubog kung ano ka na pagkatapos ng mga naging pagsubok sa iyo,” dagdag na pahayag pa niya gamit ang mga hashtags na #election2022 #fame #sikat #instantgratification at #persona.

Regine, nagplanong tumigil sa pagkanta dahil sa isang dahilan: “time for me to stop”

- Binigyan ng payo ni Regine ang TNT Boys na sumasailalim ngayon sa pagbabago ng boses gawa ng pagpu-puberty

- Ibinahagi ng Songbird ang naging karanasan niya kasama ang TNT Boys sa world tour ng ASAP

- Inamin ni Regine Velasquez na nagbalak umano siya na tumigil sa pagkanta dahil sa nangyari sa kanya matapos isilang ang kanyang unico ijo

May ibinulgar ang Kapamilya star at Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa panayam sa kanya ng mga momshies sa Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' sa isang episode nito kamakailan. 

Sa kabila nito, pinayuhan din niya ang sikat na trio ng Kapamilya–ang TNT Boys. Marami kasing nakapansin na tila nagbabago na raw ang timbre ng boses ng tatlo dahil sa kanilang nararanasan na normal sa mga teenagers na sumasailalim sa puberty.

Kilala ang grupong 'TNT Boys' na may tatlong miyembro: sina Francis Empuerto, Keifer Sanchez at Mackie Empuerto. Naging instant hit pa nga sila nang sumalang sila sa entablado at naging finalists pa ng 'Tawag Ng Tanghalan' sa 'It's Showtime' taong 2017.

Ito na ang simula ng 'journey' ng tatlo upang makilala pa hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Lumabas na rin sila sa mga international shows at nakasama pa sa programa ni James Corden noong 2019.

Habang tumatagal, hindi maiiwasan ang paglaki kaya naman kasamang nag-iiba ang kani-kanilang mga ginintuang boses. 

Dito na ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang karanasan kasama ang TNT Boys sa Rome Italy noong October 2019 para sa ASAP Natin 'To tour. 

“’Yung last memory ko of these boys was when we went to Rome. Hindi ko nasabi na noong nandoon kami sa Rome, they were having such a hard time.

“Kasi nga nagbabago na yong mga boses nila. They were singing the same songs, in the same key na noong mga bata pa sila. So when I saw them, para silang nalugi. Naawa ako so pinuntahan ko sila,” sabi ni Regine. 

Ang “acid reflux” din umano ang nakaapekto sa kanyang boses matapos ipanganak ang kanyang unico ijo na isa sa nag-udyok sa kanya na mag-planong tumigil na sa pagkanta. 

“Ang sinabi ko sa kanila noon, kailangan niyong i-accept kung ano yung magiging sound niyo. Kasi mahirap na yung isip mo nandun ka pa sa bata ka pero iba na yung naririnig mo. Kaya ko yun sinasabi kasi that happened to me. In my case, medyo after I gave birth,” pagpapatuloy nito. 

“Umiiyak ako sa asawa ko and I was telling him, ‘Maybe it’s time for me to stop. 

“May ganoon kasi alam mo yung tunog mo eh. I felt the need to let these boys know na okay lang ‘yan. Talagang it will change. Your voice will change and it will keep on changing,” aniya.

Saturday, April 9, 2022

John Lloyd, pinaasa umano si Angelica Panganiban; Cristy Fermin, nagsalita

- Isa si Angelica Panganiban sa mga paksa ng kolumnistang si Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” online show nito

- Napag-usapan rin nila sa show ang mga nagdaang relationships ng buntis na aktres

- Pinaasa umano ni John Lloyd si Angelica Panganiban na sila pa rin base sa komento ni Cristy Fermin

Napag-usapan ng beteranong kolumnistang si Cristy Fermin kasama ang mga co-hosts nitong sina Romel Chika at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na!” online show nila ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Nabanggit rin ni Cristy na tila pinapaasa lang ni John Lloyd si Angelica noon na may namamagitan pa sa kanilang relasyon.

“Kasi pala, parang pinaasa siya ni Lloydie, na sila pa rin. Na maghihintayan lang. So umasa naman si Angelica na sila pa rin talaga ni Lloydie,” ani Cristy.

“E meron na palang Ellen Adarna. 'Di ba napakasakit no'n? May Ellen Adarna na pala siya at siya (Angelica) naman ay wala na, naigarahe na lang basta.” dagdag pa nito.

Samantala, nitong mga nagdaang buwan ay napabalitang wala na si Angelica sa cast ng upcoming comedy program ng ABS-CBN na “My Papa Pi,” kung saan pumalit naman bilang leading lady ni Piolo Pascual ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa naganap na ABS-CBN Christmas Special noong nakaraang taon ay dalawang proyekto ang inanunsiyong pagbibidahan sana ng premyadong aktres para ngayong taong 2022, kabilang ang ‘My Papa Pi” at “The Goodbye Girl”.

Friday, April 8, 2022

Madam Inutz ibinahagi kung paano siya nagkaroon ng 147k sa GCash: "Tapos ang ginawa ng pamangkin ko..."

- Ibinahagi ni Madam Inutz sa 'Magandang Buhay' kung paano umano siya umani ng 147k sa kanyang e-wallet na GCash

- Nagbiro rin ito sa kanyang pagla-live selling noon dahil puro pa-'shout out' lang daw ang ginagawa ng ilan kaya naman wala itong benta

- Minsan nga raw ay sinasabihan na siya ng netizens na huwag na umanong magbenta at i-pin nalang ang kanyang GCash number sa comment section

Nagbalik-tanaw ang internet sensation na si Madam Inutz sa kanyang dating buhay nang maibahagi niya ang kanyang 'di malilimutang experience bilang isang live seller sa Kapamilya morning talk show na "Magandang Buhay".

Bago siya pinagkatuwaan bilang "MAMAbentang online seller ng Cavite" sa 'Pinoy BIg Brother', nauna munang nag-viral ang kanyang mga nakakatawang live selling sa kanyang Facebook page. 

Ngunit hindi naman daw niya alam na nakakatuwa pala sa iba kung paano siya magsalita. Tila mas marami pa nga raw ang mga tumatambay sa kanyang live kaysa mag-'mine' ng mga paninda.

“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta” natatawang sabi ni Madam Inutz.

Mukhang 'shoutout' nga lang ang ambag ng mga viewers ni Madam Inutz dahil wala umanong gustong mag-mine at puro 'pamura' lang ang dahilan ng kanilang panonood.

 “Walang mine. Puro pamura lang talaga,” aniya.

Minsan din ay napansin nina Madam Inutz na may mga nagco-comment na huwag na raw siyang magtinda at sa halip ay i-pin nalang umano niya ang kanyang GCash number.

“Sinasabi nila, andami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number,” pagkukuwento niya.

“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.

“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash,” dagdag niya pa.

“And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng PHP137,000 yung Gcash,” laking gulat ni Madam Inutz nang magising ito isang araw.

Samantala, mapapanood naman si Madam Inutz sa Kapamilya sitcom na "My Papa Pi" kasama ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

Karla Estrada at KaladKaren, nagsigawan sa kalsada upang iparinig ang sinusuportahan nila sa politika

- Viral sa TikTok ang video nina KaladKaren at Karla Estrada na nagbibiruan sa kanilang mga napupusuang presidente sa Halalan 2022

- Maririnig sa unang segundo pa lang ng video ang "BBM! BBM!" na siya namang dahilan ng biruan ng dalawa

- Kahit magkaiba naman daw sila ng gusto sa mga presidential candidates, kitang-kita naman sa maikling video ang kanilang love sa isa't-isa

Natuwa ang mga 'Kakampinks' at 'Marcos Loyalists' sa video nina KaladKaren at Karla Estrada dahil sa pagiging magkaibigan nito kahit na magkaiba sila ng napupusuang presidente.

Kilalang supporter ng "Gobyernong Tapat" ang impersonator na si KaladKaren habang sinusuportahan naman ni Karla Estrada ang katunggali nitong "UniTeam" na pinangungunahan ng tambalang BBM-Sara.

Sa uploaded video nila sa TikTok, maririnig sa unang bahagi pa lang ng short clip na pabirong sumigaw si KaladKaren ng "BBM! BBM!" na siya namang dahilan ng pagtawa nila.

"Bonggang-bongga! Isa lang isisigaw namin, BBM! BBM!" pabirong hiyaw ni KaladKaren.

Natawa na lamang si Karla sa pakulo ni KaladKaren at napa-react ng, "Haha! Ba't naman tayo napunta don?"

"Charot!" ani KaladKaren habang sabay na tumatawa sa gitna ng motorcade nina Karla para sa bagong bukas na branch ng kanilang KFC.

Ilang saglit lang ay napadaan sila sa kulay rosas na bahay at may mga posters ng Leni-Kiko. Itinuro naman ito ng nobyo ni KaladKaren.

"True! Ito talaga ako eh! Hello mga Kakampink... Totoo 'yan ah!" sabi ng komedyante.

'Di rin maikakaila ang pagkakaroon nila ng 'love' sa isa't-isa lalo na't mababasa sa caption ng video ang "Kahit magkaiba kami ng presidente ni Mamshie Karls, we still love each other."
@iamkaladkaren

Kahit magkaiba kami ng presidente, we love each other ❤️💗

♬ original sound - Kaladkaren Davila

Thursday, April 7, 2022

Rufa Mae naghe-'hello' umano ang b**bs: "Manny Pacquiao nasa likod, nag..."

- Viral ang mga kuhang video ng komedyanang si Rufa Mae Quinto dahil sa 'lumuluwang' dibdib nito nang mag-perform ito para kay Sen. Manny Pacquiao

- Kabilang rin sa nagbigay ng reaksyon kay Rufa Mae ay ang kilalang direktor na si Antoinette Jadaone sa pamamagitan ng Twitter account nito

- Napag-usapan naman nina Ogie Diaz at co-hosts nito ang malaking kapansin-pansing b**bs ng komedyana sa recent Showbiz update nito

Nag-viral muli ang kilalang komedyanang si Rufa Mae Quinto dahil sa video nitong nagpe-perform sa campaign rally ni Sen. Manny Pacquiao nitong April 2 sa Dumaguete City. Kitang-kita na masaya ang mga dumalo rito habang nakiki-party sa kantang "Firewroks" ni Katy Perry.

Base sa video at reaksyon ng netizens ay talaga raw na kitang-kita na ang b**bs ni Rufa Mae habang sumasayaw sa rally ni Sen. Pacquiao. Napansin naman ni Rufa ito nang may nagbulong sa kanya dahilan upang inangat niya ang kanyang bra.

Marami namang natuwa kay Rufa dahil ginawa raw niyang tour ang pagsama sa mga campaign rallies ng mga presidential aspirants. Matatandaang sumampa sa entablado ang komedyana sa Zamboanga City upang maki-join sa campaign rally ng UniTeam.

Pati nga ang atensiyon nina Ogie Diaz ay napukaw ng dibdib ni Rufa. Kasama sa chikahan sina Tita Jegs at Mama Loi sa YouTube channel nilang "Showbiz Updates".

“Yung iba ang inakala nila ay parang sinadya raw ni Peachy (Rufa Mae),” ani Ogie.

Sagot ni Mama Loi, “Bakit naman niya sasadyain? Bakit naman niya ipapakita ang b**bs niya, di ba?”

“Baka gustong mag-viral?” saad ni Tita Jegs.

“Pero hindi naman siguro big deal ‘yan kay Peachy kung nag-hello man ang kanyang b**bs. E, alam mo naman si Peachy di ba, dati pa naman?” kontra ni Ogie sa mga nagsasabing sinadya iyon ni Peachy.

Hirit ni Mama Loi, "Bakit?"

“Dati pa naman na siyang nangganyan, parang small deal lang ‘yan, eh,” sabi ni Ogie habang ginagaya ang iconic na boses ni Rufa Mae.

Mama Loi sa boses ni Ogie, “Bakit parang tunog ni Peachy ‘yang (boses) mo."

“Hindi ko magaya ‘yung b**bs niya. Kaya doon man lang sa boses,” pagbibiro naman ni Ogie habang nakangiti.

Dagdag niya, “Sabi nu’ng iba sinadya, sabi naman hindi raw. Buti na lang si Senator Manny Pacquiao nasa likod, nagse-cellphone yata.”

“Katabi pa ni senator si Jinky (asawa),” singit naman ulit ni Mama Loi.

Pati nga raw si Annabelle Rama ay halos 'di na makita sa laki ng dibdib ni Ruffa. 

Nakita naman daw ni Ogie si Pokwang sa pinuntahan nilang rally sa Rizal.

“Siyempre natanong namin sa kanya, nagmahadera kami para lang may mailaman dito sa show namin. Kung para sa kanya (Pokwang) ay sinadya iyon ni Peachy o hindi naman,” ani Ogie habang ala-Rufa Mae pa rin siya.

Tanong naman ni Ogie kay Pokwang, “Mare, ano ang aasahan namin dito? Magpapakita ka rin ba ng d*de?”

“Bakit meron bang ipapakita? Wala ngang laman ‘to, eh (tingin sa dibdib). Pilit na pilit. Bakit naman ninyo natanong tungkol sa d*de, ano ‘yun?” sagot ni Pokwang.

Pagkatapos ay ikinuwento na ni Ogie ang nangyari sa b**bs ng komedyana.

“Talaga? Ah, sana hindi sinasadya, ha? Kasi kapag ano, hirap na may mga anak na tayo, di ba? Sana hindi sinadya, ‘yun lang! Kung sinadya ay hindi maganda kasi may anak na tayo, eh. Paano ‘yun? Paano pag nag-viral ‘yun? Okay lang kung mga dalaga pa tayo.

“Alam naman natin na si Peachy ay ganu’n lang ‘yun na come-comedy. Hindi naman naiiwasan ang wardrobe malfunction, pero next time mag-ingat na lang. ‘Wag na nating pakialam ‘yun o inggit lang tayo kasi walang laman?” pahayag ni Pokwang.

“So, mag-iingat ka ngayon sa performance mo?” tanong naman ulit ni Ogie sa kanya.

 “Oo, sabay mag-iingat talaga" natatawang sabi ni Pokwang habang pabirong pinapakita ang kanyang balikat.

Wednesday, April 6, 2022

Cristy Fermin, kinumpara si Paulo Avelino laban kay Paolo Contis: "Naku, Paolo Contis..."

- Ipinagkumpara ni Cristy Fermin si Paolo Contis kay Paulo Avelino sa latest vlog nito sa 'Cristy Ferminute'

- Sinabi nitong nagkaroon ng pagkakataong makadalaw si Paulo sa anak nito kahit na nasa world tour ito kasama si Ogie Alcasid

- Hindi naman napigilang magkomento ni Cristy Fermin kay Paolo Contis nang mabanggit niya ang ginawa ni Paulo

May chika ulit ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Kapamilya star na si Paulo Avelino laban sa kontrobersyal na aktor na si Paolo Contis.

Sa latest episode ng kanyang 'Cristy Ferminute', sinabi nitong kahit nasa US si Paulo ay nagawa pa rin nitong bisitahin ang anak niya kay LJ Reyes.

“Si Paulo Avelino, kung noon inierereklamo ni LJ na hindi man lang nagbibigay ng sustento sa kanilang anak, e kasi nag-show naman si Paulo Avelino sa LA kasama sila Ogie at saka si Janine (Gutierrez) na mukhang sila na ngayon, nagpunta na siya ng New York para magkita naman sila ni Aki." aniya.

Nabanggit naman ni Cristy ang pangalan ni Paolo at sinabi pang siya naman ang ico-'compare' rito.

“E mukhang si Paolo Contis naman kasi kasama pa rin ni Yen, paano niya madadalaw si Summer. Baka winter na hindi pa niya madalaw si Summer.

“Naku, Paolo Contis, ewan ko na lang. Ikaw na naman ang iko-compare dito. At least si Paolo Avelino, nag-take time. Naghanap ng panahon para makita si Aki at si LJ. Pero may puhunan din naman si Paolo Contis. Nung panahon na magkasama pa sila ni LJ Reyes, tinuring niyang tunay na anak si Aki.” saad ng kolumnista.

Tuesday, April 5, 2022

Elisse, binalaan si McCoy sa bagong Vivamax film; Bawal ang makipaghalikan, love scene?

- May babala ang aktres na si Elisse Joson sa nobyo nitong si McCoy de Leon sa pakikipaghalikan at pagkakaroon ng love scene ng aktor

- Inamin nitong hindi pwedeng may intimate scenes si McCoy dahil aminado rin itong may pagka-selosa siya

- First time nga rin daw nila na magkatrabaho ulit at may batang 'maiiwan'

Sa nagdaang virtual mediacon ng bagong proyekto nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nagkaroon ng chikahan sa pagitan nila at sa kanilang pelikulang "Habangbuhay".

Nagkaroon pa nga daw sila ng second thoughts na gawin ang pelikulang pinroduce ng Viva Films dahil sa pandemic at ngayong kasama nila si baby Felize. Ang 'Habangbuhay' naman ay ididirek ni Real Florindo at mapapanood sa Vivamax ngayong Abril.

“Ang haba po ng process before we actually were able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga, we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic tapos may baby kaming kasama,” sabi ni Elisse.

Baka nga umano hindi bumagay sa McLisse ang karakter sa istorya ng pelikula dahil pang-estudyante ang kuwento nito. Ngunit napag-isipan nila na maswerte sila lalo na ngayong may krisis at maraming walang trabaho.

“Nakakatuwa po na seeing the sneek peek, pwede pa pala,” natatawang saad ni Elisse.

Sa kabilang banda, may pakiusap naman si McCoy sa mga artistang may karelasyon na huwag na maghiwalay dahil nadadamay siya sa mga isyu.

“Kapag may mga issue sa akin napupunta ‘yong duda, e. Sabi ko, ‘Nanay, hindi ko alam ito.’ Ganu’n, ganu’n s’ya. Kaya sa mga artista, wag na kayo maghiwalay nadadamay ako. Hahaha!” ani ng tawang-tawang McCoy.

“Lagi kong sini-secure sa kanya na, ‘Wag mong pansinin yong mga yan ang isipin natin paano tayo mabubuhay, paano natin mapapasaya ’yong anak natin, ang bawat isa sa atin. Alagaan natin ’yong relationship natin.” dagdag nito.

Sagot naman ni Elisse, “Ang kailangan lang naman talaga is you both feel secured with each other. Okay naman ’yon kahit may news pa from other people na hiwalayan. Hindi na ’yan makakaapekto sa inyo."

Hindi nga rin daw pwedeng magkaroon ng kissing at love scenes sa pelikula si McCoy dahil nga may pagka-selosa ito. “Selosa po ako. Hahaha! Pero ’yon nga, depende sa kung ano ’yong material na ibibigay kay McCoy.”

Sambit ng aktor, “Siya raw mag-a-approve. Hahahahaha!”

Sunday, April 3, 2022

KD, pinakilig ang buong KDLex fans dahil sa mensahe nito: “i love you always...”

- Nagsulat ng isang 'appreciation letter' ang aktor na si KD Estrada para sa ka-loveteam nitong si Alexa Ilacad

- Aniya, na-appreciate niya raw kung gaano kalakas si Alexa sa tuwing may mga lock-in taping ito

- Bumuhos naman ang kilig at tuwa ng mga netizens partikular na sa mga fans nila

May nakakataba ng pusong mensahe ang Kapamilya actor na si KD Estrada para sa kanyang katambal na si Alexa Ilacad.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ito ng isang appreciation letter kay Alexa na ipinapakita kung gaano niya minamahal ang kanyang ka-loveteam.

Kaya naman bumuhos ang kilig sa mga fans ng KDLex dahil sa sinabing ito ni KD.

"Just wanna give an appreciation message for this woman. you've been so strong these past few days, i'm so proud of you and i know you'll do great in everything this business has to offer.

 “ou never fail to take care of me even if you're tired and you always treat others with kindness. working with you is such a great experience and i'd love do have more projects with you ilyalways, nothing will ever change that," sulat nito.

Dagdag pa ng aktor, "Being evicted with you was one of the best things that ever happened to me.”

Saturday, April 2, 2022

Barbie, sinang-ayunan ang “Umaasa pa tayo na baka habulin”; Umasa na magbabalikan

- Umasa pala noon si Barbie Imperial na magbabalikan sila ng dating boyfriend na si Diego Loyzaga

- Sinabi rin niyang naghintay muna siya ng isang Linggo bago sabihin sa kanyang ina ang nangyaring hiwalayan

- Nilinaw naman ng aktres na 'in good terms' sila ng aktor at mabuting magkaibigan sila ni Diego

May kwento ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa nangyaring hiwalayan nila ng dating nobyong si Diego Loyzaga. Sa guesting niya sa 'Magandang Buhay' ay ibinahagi niya kung anong nangyari sa kanya sa unang Linggo ng kanilang hiwalayan. 

Aniya, tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang mag-break sila ni Diego. Inamin rin niyang umasa rin siya noon na baka habulin pa siya ng aktor bago niya sabihin sa kanyang ina ang tunay na nangyari. 

“Ako po, parang hinintay ko ng one week. Sinolo ko talaga ‘yung break up. As in nasa kwarto lang ako. Sobrang lungkot ko talaga,” pag-amin ni Barbie.

“Alam ko po kasi kapag nasasaktan ako, mas doble talaga ‘yung sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko muna mag-isa.

“Tapos noong medyo kaya ko na nang konti, doon ko sinabi kay Mama tsaka noong sigurado na break na talaga [kami].” pagpapatuloy nito.

Naitanong naman ng Magandang Buhay host na si Jolina kung hindi pa siya sigurado noong maghiwalay sila kaya siya naghintay muna ng isang Linggo.

“May mga ganoon po kasi di ba? ‘Yung…” naputol na pagsagot niya.

Singit naman ni Melai, “Umaasa pa tayo na baka habulin.”

“Habulin. Oo. Yeah... Noong sure na parang [break na kami], sinabi ko na talaga kay Mama,” tugon ni Barbie.

Sa kabila ng pagkalungkot niya ay na-'overcome' naman na niya ito kaya naman 'sobrang happy' niya ilang buwan pagkatapos ng kontrobersyal na paghihiwalay. Tamang proseso naman ang sagot sa tamang pagmo-move on. 

“Naniniwala ako sa power ng time. Hindi mo siya dapat madaliin. Patience lang talaga,” saad ng aktres.

Karla Estrada, nag-react sa ugaling ipinakita ni Vice Ganda; May parinig: “Shout out sa...”

- Ibinahagi ni Karla Estrada ang litrato ni Vice Ganda sa kanyang Instagram account upang batiin ito ng maligayang kaarawan

- Sa litrato ay makikita ang isang quote card ng ABS-CBN na mula sa isang vlog ni Vice kung saan binayaran niya ang mga gamot na binili ng customers mula sa isang botika

- Tila gusto naman nitong iparinig sa followers niya ang kabutihan ni Vice dahil may pa-“shout out” ito sa komedyante

Kitang-kita ang pagiging magkaibigan ng Kapamilya star na si Vice Ganda at ng dating 'Magandang Buhay' host na si Karla Estrada. May gusto kasi itong 'iparinig' sa mga followers niya sa nagdaang kaarawan ni Vice. 

Matatandaang nag-viral ang kabutihang loob ng Kapamilya comedian dahil sa pagbibigay nito ng blessings sa mga customers ng isang botika. Sa kanyang vlog ay binayaran niya ang bills ng gamot ng mga customers simula nang dumating sila sa botika hanggang sa magsara ito. 

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa ginawang ito ni Vice kasama na ang kaibigan niyang si Karla Estrada. Sa kanyang Instagram story pa nga ay nagbahagi ito ng quote card na mula sa ABS-CBN na galing sa naturang vlog ng host. 

“Lately, parang ang daming magagandang bagay ang nangyayari sa life ko. Ang daming blessings na dumarating so let's share some good vibes to our beloved Madlang People. Sa pagkakataong ito, ang trip naman namin pupunta, tayo sa isang botika, tapos pagdating natin don mula don sa oras na dumating tayo hanggang sa magsara sila, lahat ng bibili ng gamot sa botika nila babayaran ko,” ang laman ng quote card ng ABS-CBN na sinabi ni Vice.

Sa kanyang caption ay inilarawan niya ito bilang “tunay at totoong tao”.

 “Shout out sa kaibigan kong ito na isa sa may pinakamalaking puso!” aniya.

“I love you and happy birthday!!!” dagdag pa nitong pagbati sa Unkabogable star.

Thursday, March 31, 2022

Isyu nina Will Smith, inihalintulad ni Lolit kay Rudy Fernandez: "Talagang sinampal..."

- Nang mabalitaan ni Lolit Solis ang nangyaring pananampal ni Will Smith kay Chris Rock, napa-throwback ito dahil ganoon rin daw ang nangyari kay Rudy Fernandez 

- Nag-sulat ito ng caption na kung saan sinasabi nitong nakakagawa raw tayo ng mga bagay kapag galit na kalaunan ay pagsisisihan natin

- Aniya, parehong-pareho ang ginawa ni Will Smith at Rudy matapos magbiro si Bert Marcelo hinggil sa asawa nito

Trending ang isyu nina Will Smith at Chris Rock dahil umano sa pagbibiro ni Rock sa asawa ni Smith na kanya namang ikinagulat dahil 'nabiyayaan' siya ni Smith ng viral 'Oscar slap'. 

Ilang oras pa lang ang nakakalipas ay kanya-kanya nang paandar ang mga netizens sa paggawa ng memes sa nangyaring insidente. Ngunit mukhang napukaw nina Will ang atensiyon ni Lolit Solis dahil napa-throwback ito sa nangyaring pananampal rin noon na inihalintulad niya kina Smith at Rock.

Inalala ng kolumnistang si Lolit Solis ang yumaong si Rudy Fernandez sa pamamagitan ng pag-sulat muli ng isang kolum sa kanyang Instagram account.

Panimula ni Lolit, “Iyon init ng ulo talagang will make you do things na later on, pagsisihan mo rin, Salve. Siguro kung medyo pasensiyoso ka lang, maghintay ng 1 minuto para maalis ang init ng ulo mo, hindi mo magagawa iyon biglang silakbo ng galit.”

Parehong-pareho raw kasi ang ginawang pananampal ng foreign actor at ni Rudy. Nagbiro rin daw kasi si Bert Marcelo sa isang awards night hinggil kay Lorna Tolentino dahilan upang makatanggap ito ng sampal.

“Iyon ginawa ni Will Smith ganuon din ang nangyari kay Rudy Fernandez nang biruin ni Bert ‘Tawa’ Marcelo si Lorna Tolentino nuon sa isang awards night.

“Talagang sinampal na ikinabigla ng lahat dahil nga parehong well loved sa showbiz si Rudy Fernandez at Bert Marcelo.

“Iyon joke depende din kung paano tinatanggap ng binibiro mo. Pero iyon naman init ng ulo dapat din intindihin dahil emotional outburst iyon. Saka malaking bagay din na humingi ng apology iyon gumawa ng kasalanan,” sabi ni Lolit.

'Very manly' pa nga rin daw ito dahil nag-apologize sila sa kanilang maling ginawa.

“Ang hirap din gawin iyon pero nagawa nila bilang pagtanggap sa kanilang pagkakamali. Tanggapin natin na kahit sinong tao dumarating iyon moment na bigla ka nag-i-snap dahil hindi mo nagustuhan ang isang pangyayari.

“May araw na hindi maganda ang feeling mo kaya sensitive ka. We wish na sana hindi laging may nangyayaring ganito, pero kung meron man, tanggapin natin, dahil normal flow of life.

“One moment of madness na hindi mo mapigilan. Kaya huwag iinit ang ulo lalo ngayon na mainit ang panahon, bad bad iyan,” pagpapaalala ng kolumnista

Aga, may opinyon sa 'cancel culture'; Huwag daw makakalimot: "Do not forget..."

- Nagkaroon ng guesting ang aktor na si Aga Muhlach sa radio show ni Cristy Fermin sa "Cristy Ferminute"

- Dito ay natanong siya kung anong opinyon niya sa 'cancel culture' na nauugnay ngayon sa politika

- Nagbigay naman ito ng ilang payo sa kung paano maiiwasan ang pag-'cancel' sa iba

Direstsahang sinagot ni Aga Muhlach ang tanong ni Cristy Fermin nang mag-guest ito sa kanyang radio program na 'Cristy Ferminute' upang ipromote ang bagong show ng TV5 na 'Masked Singer Pilipinas'.

'Di napigilang itanong ng kolumnista kung ano ang saloobin ni Aga sa 'cancel culture' na nangyayari ngayon na naiuugnay ng mga tao sa mundo ng politika.

“Mayroon lang akong isang bagay na prinsipyo na sinusundan sa buhay. Lahat tayo kasi iba-iba ang pananaw ng bawat tao. It's difficult really nowadays na lahat ng boses naririnig natin, na minsan hindi na natin alam, kung sino tama, kung sino ang mali. Ngayon, sa akin, indibidwal, sa pagkatao ko, pipiliin ko 'yung nakikita kong tama na gawin, not necessarily sa politics, kundi sa buhay,” sagot ng aktor.

Tila wala na raw magagawa sa usaping ito pagdating sa politika dahil mahirap nang ibahin ang isang taong may sinusuportahan o 'kakampi' sa isang panig. Inamin din niyang hindi niya iniintindi ang cancel culture na laganap ngayon. 

“Ngayon, pagdating sa pulitika naman, wala na tayong magagawa e. Ibig kong sabihin, kung may kakampi 'yung isa, hindi mo na masu-sway 'yan. May kakampi 'tong isa, hindi mo na maiiba.

"So, 'yung sinasabing cancel culture, parang hindi ko na rin iniintindi 'yan.

"Kasi sa akin, I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy. Pagdating sa mga gulo-gulo, ayoko talaga sumali.” sabi naman ni Aga.

Nagbigay advice naman siya respetuhin at magmahalan nalang ang bawat isa.

"Galangan lang. Kasi kung merong pink tayo, hayaan natin ang pink. Kung merong pula, hayaan natin ang pula. Kung merong asul, hayaan natin ang asul.

I think it's very important really, at the end of the day, do not forget, let us not all forget really to love one another." hirit ni Aga.