Monday, January 17, 2022

Morisette, pagkatapos magka-COVID ay tuluyan nang dinala sa ospital dahil sa isa pang sakit

- Bukod sa pagkakaroon ng COVID-19 ay dinapuan naman ng isa pang sakit ang singer na si Morissette

- Ibinahagi rin niyang pinayagan na siya ng kanyang doktor umuwi upang magpagaling

- Nagpasalamat naman ito sa Panginoon at sa mga taong sinasama siya sa mga dasal

Pagkatapos malaman ng publiko ang balitang nagkaroon ng COVID-19 ang sikat at Kapamilya singer na si Morissette, tinamaan pa ito ulit ng isa pang karamdaman.

Nagbahagi ito ng kanyang COVID journey kasama ang kanyang fiancè na si Dave Lamar na tinamaan rin ng sakit sa kanyang Instagram account nito lang January 16.

Naikwento rin ng mang-aawit ang isa pang sakit na dumapo na mas nagpakaba at nagpatensiyon sa kanya. Ayon sa kanya, kailangan niya ulit ma-confine sa ospital pagkatapos malaman na mayroon siyang “diverticulitis” –isang medical condition kung saan namamaga ang mga “pouches” na maaaring mabuo sa loob ng kanyang intestines.

“For the past week, I was confined in the hospital since Sunday evening. both @davejlamar and I tested positive for Covid with mild flu-like symptoms, but I was admitted due to an issue in my colon called Diverticulitis.

“I had to take several IV medications which unfortunately triggered my super bad headaches then lead to vomiting. I couldn’t even eat ’cause I’d just throw it all up,” caption ng singer sa kanyang Instagram post.

Pinayuhan naman siya ng kanyang doktor na umuwi na ng bahay upang doon magpagaling, “This weekend, I was finally discharged with lots of meds to take with and take note but grateful that I’m allowed to continue my quarantine and healing at home.

“Thank God for DJ (Dave) who was discharged earlier but stayed in the hospital room with me to keep me company, we would just play Pinoy Henyo (’cause it somewhat didn’t require me using a phone that also triggered my migraines) to pass the time.

“I’m still on the road to recovery but feeling a whole lot better now. Thanks to my Titos @audiegemora @davidgesmundocosico @butchgjimenez @daffydocmo for helping us out during this whole process, and everyone for sending in their prayers!” dagdag na mensahe pa ni Morissette.


EmoticonEmoticon