Images from: Philippine Star/ Facebook |
Maraming mga napapabalitang mga riders na naloloko ng kanilang mga customers. Hindi lamang sila nakakaperwisyo, nakaka-awa rin ang mga riders dahil naghahanap buhay sila ng marangal tapos ganoon lamang ang kanilang sasapitin.
Gayunpaman, mayroon pa rin namang mga mabubuting customers tulad nito.
Naibahagi ng GrabFood rider na si Mark Berdan ang di pangkaraniwang request ng kanyang customer. Habang hinihintay raw niya ang kanyang susunod na delivery ay nagtext ang kanyang customer at sinabing,
"Kuya hindi mo na kailangan pumunta dito yung 30 pcs na burger pamigay mo along the way dyan sa mga nasa kalsada na nagugutom tapos yung 5 pcs na burger iuwi sa pamilya mo."
Images from: Philippine Star/ Facebook |
Noong una ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang customer at akala niya na binibiro lamang siya nito dahil ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon niya na makatanggap ng ganitong klaseng request mula sa kanyang customer.
Ngunit pinilit pa rin ni Berdan na pumunta sa address ng kanyang cliente dahil baka siya raw ay mareklamo kapag ginawa niya ang request. Subalit ang sabi naman sa kanya, "Hindi kuya, ginagawa ko yan lagi. Ipamigay mo na diyan sa kalsada yan 30 pcs sa mga nagugutom tapos yung 5 pcs iuwi mo sa inyo."
Di pa talaga makapaniwala si Berdan sa nais ipagawa ng kanyang customer. Ngunit pinasiguruhan naman ng customer niya na totoo nga ito. "Totoo nga bakit parang gulat na gulat ka naman. Salamat paki pamigay na lang."
Images from: Philippine Star/ Facebook |
Sinimulan ni Berdan ang pamimigay ng mga burgers sa mga taong nagugutom na nasa lansangan at ang ilan ay sa mga street sweepers na nadaanan niya sa may Alabang. Habang pinamimigay niya ang mga ito ay kinukuhanan niya ito ng mga letrato upang patunay na binigay niya nga ito sa mga nagugutom.
Subalit sinabi sa kanya ng kanyang customer na hindi na niya ito kailangan pang picturan dahil pinagkakatiwalaan naman raw siya nito. Nagpasalamat na lamang ang kanyang customer sa kanya.
Images from: Philippine Star/ Facebook |
Matagal na raw itong ginagawa ng kanyang customer, ang mamahagi ng biyaya sa mga nangangailangan sa tulong ng mga delivery riders.
Laking pasasalamat ni Berdan dahil ginawa siyang instrumento upang makapaghatid ng biyaya sa kapwa.
Images from: Philippine Star/ Facebook |
Aniya,
"Ang na-realize ko lang po na wala man akong financial na maibibigay, naging instrumento ako para makatulong sa mga nangangailangan. Kaya laking pasalamat ko kay Lord at kay customer."
Godbless sayo kuya at sa napakabait mong customer!
EmoticonEmoticon