Subalit para sa isang lalaking ito, ni minsan ay hindi niya naisip na ikahiya ang pagiging isang kasambahay dahil alam niyang marangal na trabaho ito lalo na at naranasan niyang mamasukan bilang isang katulong upang matulungan maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya.
Kinilala ang netizen na ito na si Jarel Tadio na isang estudyante mula sa Tuguegarao, Cagayan. Bukod sa pagiging isang estudyante ay proud kasambahay din si Jarel sapagkat ito ang nagbigay daan upang makamit ang kaniyang mga pangarap ngayon.
Bata pa lamang kasi si Jarel ay mulat na ito sa hirap ng buhay sapagkat mahirap lamang ang kaniyang mga magulang. Kaya naman simula noon ay pinangarap na niyang i-angat ang kaniyang pamilya upang hindi na sila mahirapan sa buhay.
Matapos niyang maka-graduate sa highschool ay naisipan ni Jarel na mamasukan bilang isang kasambahay. Ayon sa kaniya, ni minsan ay hindi niya ikinahiya ito sapagkat masaya siya dahil libre ang kaniyang tulugan, libre ang pagkain, libre din ang panoonod ng tv at ang wifi.
“Namasukan ako bilang maid. Pero taas noo ako sa naging trabaho ko…masaya dun, libre na ang tulugan, libre pa ang pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable at wifi. Saan ka pa!”
Naging maayos ang kaniyang trabaho bilang isang katulong hanggang sa napagdesisyunan nito na nais pa niyang maabot ang ibang pangarap kaya naman naging isang working student ito. Nagtrabaho siya habang nag-aaral upang nang sa gayon ay mayroon siyang panggastos sa kaniyang matrikula.
Hanggang sa nakapagtapos si Jarel sa kursong Hotel and Restaurant Management sa Cagayan bilang isang Cum Laude. Masaya ang kaniyang mga magulang at nakamit ni Jarel ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Lahat raw ng pagod at puyat ni Jarel ay worth it sapagkat nakapagtapos ito with flying honors pa.
Kaya naman payo nito sa kaniyang kapwa, huwag maliitin kahit ano pang trabaho mayroon ang isang tao sapagkat lahat ng klase ng trabaho ay marangal at maaaring makapagpa-ahon sa ating buhay samahan lamang ng sikap, tiyaga at dasal.
EmoticonEmoticon