Sunday, January 17, 2021

Online Seller Ibinahagi Ang Kanyang Success Story Sa Pagnenegosyo At Hinimok Na Subukan Ang Negosyo Challenge

 

Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook

Isa sa mga patok na paraan ngayon ng pagbebenta ay ang online selling. Dahil karamihan ay hi-tech na lahat ang mga gadgets, isang pindot na lang sa iyong cellphone ay mabibili mo na ang iyong gusto at hindi na pa kailangan pang pumunta sa pamilihan o sa mall.

Mas madali rin kasi ang paraan na ito ng pagbebenta dahil mas malawak ang iyong market. Mas maraming tao ang nakakakita ng iyong mga binebenta dahil sa tulong ng social media. 

Isang online seller ang nagbahagi ng kanyang success story sa isang Facebook page na CFO Peso Sense. Aniya na nais niyang ichallenge o ipauso ang 'negosyo challenge' na kung saan ang mga nag-iipon ay dito gamitin ang kanilang naipong pera upang makapagsimula ng maliit na negosyo at para lalo pa itong lumago.

Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook

Kwento niya na noon raw taong 2017 ay nagsimula lamang siyang mamuhunan sa halagang Php5, 000 upang makapag benta ng mga RTW sa online. Ginamit raw niya ang Facebook para kumita at pinagaralan ang tamang proseso para magkaroon ng mga orders.

Aniya na tuwang-tuwa na raw siya noong mayroong unang nag-order sa kanya ng dalawang piraso dahil tumubo siya kahit papano. Hindi raw siya sumuko kahit minsan ay wala siyang nabebenta. Hindi raw siya nawalan ng pag-asa. Laban lang ng laban walang aayaw. 

Dagdag pa niya na ngayon ay masasabi na niya na pakonti-konti na siyang nagtatagumpay sa kanyang pag-oonline selling at marami na rin ang kanyang mga resellers na kumikita ng malaki at may mga yumayaman na rin.


Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook

Hindi raw natin kailangan ng malaking puhunan para magkaroon ng isang negosyo. Ang kailangan ay magkaroon ng sariling ideya. Maraming tao ang may maraming pera ngunit wala naman negosyo dahil wala silang ideya o business idea. 

Hindi rin daw siya nakapagtapos sa kolehiyo ngunit hindi dapat maging hadlang ang hindi ka nakapag-aral para mangarap. Ang kailangan ay maging masipag ka, magkaroon ng dedikasyon at lakasan ang fighting spirit. 

Huwag rin daw dapat mawalan ng pag-asa. Hindi nauubos ang pag-asa ng tao pero hindi lalapit ang pag-asa kung walang pagbabago.


Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook

Aniya na dapat ay lumabas ka sa iyong comfort zone. Matutong mag-explore upang makakilala ng ibang mga taong magsisilbing inspirasyon sayo para makapagtayo ng sariling negosyo at umasenso. Bawasan rin ang ingit sa iyong kapwa sa halip ay gawin pa silang inspirasyon. 

Kaya raw niya naibahagi ang kanyang kwento ay hindi para magyabang kundi para makaimpluwensya sa iba sa ikakatagumpay nila. Dagdag niya na kung may pangarap tayo, simulan natin ngayon.


EmoticonEmoticon