Photo credits: Jose Aran/ Facebook |
Kahanga hanga talaga ang mga matatanda na kahit sa kanilang edad ay nagsusumikap pa ring magtrabaho. Minsan, dahil na rin kasi sa hirap ng buhay kung kaya't ang ilang mga senior citizens ay pinipili pa ring maghanap-buhay.
Ngunit nakakalungkot lang dahil imbes na sana ay nagpapahinga na lamang sila sa kanilang mga bahay ay napapagod pa sila sa kakatrabaho. Kagaya na lamang ng isang matanda na ito na nakitang nagtitinda ng mga ginantsilyong mga gamit.
Ibinahagi ng netizen na si Jose Aran sa Facebook ang larawan ng isang matandang nagtitinda ng mga crochet items. Hinimok niya ang kung sino mang madadaanan si nanay ay bumili sana sa kanya ng kanyang mga paninda tulad ng lalagyanan ng cellphone, wallet, water bottle, sombrero etc. na siya mismo ang naggantsilyo.
Photo credits: Jose Aran/ Facebook |
Aniya sa caption ng kanyang post,
"Baka mapadaan kayo sa may ilalim ng LRT sa may sidewalk along old GSIS building papuntang SM Manila.
Bili na kayo kay Nanay ng mga crocheted wallet, lagayan ng water at etc...
P150 tong lagayan ng water (bottle not included) medyo pricey pero effort naman sa pag crochet yan for sure."
Napakasaya raw ng matanda nang bumili ito sa kanya dahil siya raw ang kanyang buena mano. Dagdag pa niya na libreng repair kapag may nasira man sa kanyang binili.
Wika ng isang netizen na sana ay magawan raw ng Shopee account si Nanay para mas marami siyang mabentahan at hindi na pa kailangang lumabas ng bahay.
Photo credits: Jose Aran/ Facebook |
Kahanga-hanga ang mga katulad ni Nanay na napaka-tiyaga sa paggawa ng mga ginantsilyong mga bagay. Di biro ang paggantsilyo dahil nakakapagod rin ito sa kamay at sa mata.
Kaya naman sana kung sino man nga ang madadaanan siya ay bumili sa kanya hindi niyo lang siya mapapasaya kung di makakatulong na rin kayo sa kanya.
God bless you po nanay!
EmoticonEmoticon