Photo from: Kristine Mae Asi/ Facebook |
Dito sa Pilipinas, karaniwan na sa mga Pinoy na magrecycle ng mga plastic na container. Katulad na lamang ng mga latang lalagyan ng biscuits na ginagawang lalagyanan ng mga sinulid at karayom, mga pinaglagyanan ng ice cream na ginagawang lalagyanan ng isda o di kaya ay ulam.
At ang labis na nakakatuwa, na nakakadismaya rin minsan, ay kapag iyong sabik na sabik kang kainin ang orihinal na laman nito pero sa bandang huli ay iba pala ang nakalagay rito.
Katulad na lamang ng isang dismayadong netizen na ito matapos makakain ng ice cream na gawa sa mantika ng baboy.
Photo from: Kristine Mae Asi/ Facebook |
Ibinahagi sa isang Facebook post ni Kristine Mae Asi ang kanyang kakaibang ice cream na kanyang natikman Aniya na excited pa man din siyang kumain ng ice cream pero sa unang subo pa lamang niya ay nagtaka na siya kung bakit ganoon ang lasa.
"YUNG EXCITED NA EXCITED AKO MANGAIN NG ICE CREAM PERO ISANG SUBO KO PA LANG NAGTAKA AGAD AKO KUNG BAKIT LASANG CHICHARON!!!! KUNG SINO MAN NAGLAGAY NG MANTIKA NG BABOY SA LAGAYAN NG ICE CREAM. WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN!"
Inilagay kasi sa lalagyanan ng ice cream ang mantika ng baboy kung kaya't noong inilagay ito sa freezer at tumigas ay nagmistulang parang ice cream nga ito. Labis man ang pagkadismaya niya dahil sa napurnadang ice cream ay nagdulot naman ito ng katatawanan sa mga netizens.
Photo from: Kristine Mae Asi/ Facebook |
Narito ang ilang sa kanilang mga komento.
"Unang kagat, mantika lahat."
"Dati isda nakalagay sa mga lagayan ng ice cream ngayon mantika na. hahahahaha. prito well."
"Hahahahaha ice cream na naging sebo pa."
"Kahit ako makakain ko rin siguro yan, lalo na kapag takam na takam ka sa ice cream di mo talaga mapansin."
"Ingat sa mga nilalagay sa ice cream."
Kaya sa susunod, kung kakain man kayo ng ice cream na nasa freezer, tiyakin niyo munang totoong ice cream nga ito upang sa huli ay hindi magsisi.
EmoticonEmoticon