Photo from: Momshies Diary/ Facebook |
Kung dati rati, ang paraan upang makapagprito ng pagkain ay ang tradisyunal na paggamit ng kawali at mantika, ngayon sa appliance na ito ay makakapagprito ka na walang gamit na mantika.
At kung dati ay kailangan mong tutukan at bantayan ang iyong piniprito dahil baka masunog, dito sa air fryer na ito ay maaari mo nang iwanan ang iyong niluluto, iset lamang ang timer at hintayin ng malutong mag-isa ang iyong pagkain.
Sa Facebook page na Momshies Diary ay ibinahagi ng isang mommy ang kanyang karanasan at opinion sa paggamit ng air fryer.
Photo from: Momshies Diary/ Facebook |
Aniya sa kanyang post,
"Hindi required ang air fryer at lalong hindi ito sukatan ng estado sa buhay.
Pero share ko lang din itong experience ko. 2 days na kaming hindi gumagamit ng oil. Bukod pa diyan, tinatanggal din nito yung oil sa pagkain lalo na yung meat.
Syempre ang goal natin maging mas healthy!"
Alam naman kasi natin ang epekto ng paggamit mantika sa ating katawan. Hindi healthy ang pagkain ng mga mamantikang pagkain dahil maaari itong makapagdulot ng diabetes, sakit sa puso at labis na katabaan o obesity.
Photo from: Momshies Diary/ Facebook |
Ang paggamit kasi ng air fryer ay nakakatulong upang maiwasan ang paggamit ng cooking oil at nakakaalis pa ito ng mantika sa mga pagkain tulad ng baboy. Sa larawang ito, ipinakita rin niya ang mantikang natanggal sa inair-fry niyang liempo.
Photo from: Momshies Diary/ Facebook |
Saad naman ng isang netizen, "Maganda naman po pala ang air fryer mommy. Bukod sa hindi ka na gagamit ng oil, tinatanggal pa yung oil sa mga taba ng pork or sa meat. Pwede ka pang makatapos ng ibang mga gawain."
Wika naman ng isa, "Kung sa lasa mas masarap pa rin talaga yung ipiprito sa oil. Pero kung health conscious ka talaga at busy mommy, mag air fryer ka.
EmoticonEmoticon