Monday, January 18, 2021

Mabait Na Rider, Tinulungang Maibenta Ang Mga Nilalakong Walis Ng Isang Matanda

 

Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook

Sa panahon ngayon, dapat ay tayo ay nagtutulungan lalo na kung nakikita na nating harap-harapan na nahihirapan ang ating kapwa.

Isang blessing ang nangyaring pagsasalubong ng isang rider at ng isang matandang lalaki na naglalako ng mga panindang walis sa may San Jose de Monte, Bulacan. 

Kwento ng rider na si Benedict Jade Duran, habang nagmamaneho siya papuntang SM Fairview ay nakita niya ang isang lolo na bitbit ang mga walis tambo na mahaba. Noong una raw ay nilampasan niya ito ngunit tiningnan niya ulit ito sa salamin ng kanyang motor. 

Makikita na pasan-pasan ng matanda ang mga mahahabang walis habang may dalang tungkod.

Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook


Habang nakahinto ay nagdadalawang isip pa siya kung babalikan niya ito dahil aniya ay may rush order siya noong oras na iyon. Ngunit dali dali siyang bumalik para tanungin ang matanda. 

Nang tanungin niya kung magkakano ba ang mga walis ay sinabi na tig Php180. 

Ang sabi niya, 'Tay upo ka muna pahinga kana ako na bahala magbenta nyan, pinost ko agad sa group ko."

Mabuti na lamang at mayroon mga nakapansin sa post ni Duran at naubos ang paninda ng matanda. Abot hanggang langit ang ngiti ng matanda ng iabot sa kanya ang perang kinita sa mga panindang walis.

Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook

Ani Duran na napakasarap sa pakiramdam noong napasaya niya ang matanda at napaubos ang panindang walis at pinasalamatan rin siya nito. 

"Yung ang sarap sa feeling na natulungan mo si tatay Jesus, opo tama po ang pagkabasa niyo, ang name niya ay Jesus!"

Hinangaan niya raw si Tatay Jesus dahil sa edad nitong 85 taong gulang ay nagbabanat pa rin siya ng buto. 

"Salido ako kay tatay, magkikita pa ulit tayo! Maraming gustong tumulong sayo tay!"

Screenshot from video: Benedict Jade Duran/ Facebook

Laking pasasalamat rin ni Duran sa mga taong umorder ng walis at di raw sila nagdalawang isip na bilhin ang mga walis ni tatay. 

Komento ng isang netizen na nadurog raw ang kanyang puso na makita ang matanda na hirap na sa paglalakad at may pasan pa itong mabigat na paninda. Mayroon ding iba nag nais mag-abot ng tulong sa matanda.


EmoticonEmoticon