Saturday, January 16, 2021

Lalaki Na Pinupulot Ang Natapong Bigas, Pinakita Kung Gaano Kaimportante Ang Bawat Butil Kung Kaya't Di Dapat Ito Nasasayang

Photo credits: Kasthuri Patto/ Facebook

Ang kanin, bigas o rice ang tinatawag na 'staple' food ng mga taga Asia. Ito ang bumubuo sa pagkain ng mga Asyano kung kaya't hindi mawawala ito sa hapag kaininan. Subalit habang tumataas ang mga bilihin ay tumataas rin ang presyo ng bigas kung kaya't ang bawat butil nito ay napakahalaga at di dapat nasasayang.

Ang Malaysian politician na si Kasthri Patto ay nagbahagi ng isang larawan sa kanyang Facebook account na dumurog sa puso ng mga netizens kung saan namataan niya ang isang lalaking nagpupulot ng natapong bigas sa kalsada. 

Nakita niya ang lalaki sa labas ng kanyang bahay sa Batu Kawan. Napag-alaman niya na ang lalaki ay isang dayuhang mangagawa sa kanilang bansa at hindi ito makauwi dulot ng movement control order (MCO) na ipinataw noon sa Malaysia. Nawalan rin ng trabaho ang lalaki kung kaya't hindi rin sapat ang kanyang pera na pambili ng kanilang makakain.

Photo from: Google





















Aniya na nadurog ang kanyang puso nang makita niya ang mahirap na lalaki na pinupulot ang mga butil ng bigas sa kalsada.

"A foreign worker who has no income, scooping up some rice from the road. The packet had a hole and some rice spilt from it."

Kakabili lamang raw kasi ng bigas ng lalaki at pauwi na ito sa kanila nang biglang mabutas ang plastic na kanyang dala kung kaya't nagkalat ang bigas sa daan.

Nang tanungin ni Patto sa lalaki kung bakit hindi na lamang niya ito pabayaan ay sinabi ng lalaki na huhugasan na lamang daw niya ito pag-uwi at pwede pa naman itong kainin. 

Photo credits: Kasthuri Patto/ Facebook






















"Takpa, saya balik cuci. Boleh makan lagi. [It's okay, I can go back and wash it. It's still edible.]"

Naantig ang puso ni Patto sa sagot ng lalaki at napagtanto niya na kung gaano kahalaga ang bawat butil ng bigas at wala dapat nasasayang.

"Foreign worker or citizen, rich or poor, hunger hits us the same way. Let's look out for each other to make sure no one is left behind."

Magsilbi sana itong eye-opener sa ating lahat na kahit gaano pa kaliit ang bawat butil ng bigas ay napakahalaga nito lalo na't maraming tao ang wala ng makain at nagugutom.

 


EmoticonEmoticon