Photo credits: Mr. CO Photography/ Facebook |
"Kapag tinamaan ka, tinamaan ka." Darating at darating talaga ang oras na makilala mo ang iyong "the one." Minsan sa hindi inaasahang lugar o di kaya ay sa di inaasahang sitwasyon. At kapag naramdaman niyo na talaga na para kayo sa isa't isa, ano man ang estado niyo sa buhay ay hindi na ito mahalaga basta ang importante ay magkasama kayo sa hirap at ginhawa.
Kinagiliwan ang love story na ito ng isang tricycle driver at isang engineer.
Matapos ang labing apat na taong pagmamahalan ay mag-iisang dibdib na ang magkasintahang sina Mary Rose Vargas at Danilo Nolasco Jr. Hinamon man sila ng pagsubok ng buhay ay sa kasalan din mauuwi ang kanilang pagsasamahan.
Photo credits: Mr. CO Photography/ Facebook |
Hindi man daw ideal ang kanilang lovestory, dahil magkaiba ang kanilang propesyon ay hinding-hindi nila ito pinag-awayan. Isang engineer kasi si Mary Rose samantalang isang tricycle driver naman si Danilo.
Tiyak na maraming tao ang huhusga sa kanilang pagsasama dahil sa trabaho ni Danilo subalit saad ni Mary Rose, 'who cares mamsh?'
Aniya, hindi lahat ng kailangan mo ay dapat na iaasa mo sa magiging asawa mo. Pwede niyong pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sa inyo.
Makikita sa kanilang simpleng pre-nup photoshoot ang saya sa kanilang mukha. Kinuhanan nila ito sa lugar na kung saan sila noo'y unang nagkakakilala at nagpupunta sa Greenhills San Dionisio sa Parañaque City.
Photo credits: Mr. CO Photography/ Facebook |
Payo ni Mary Rose, dapat raw ay laging nandoon ang tiwala at pagmamahal niyo sa isa't isa kahit na ano pa man ang estado at trabaho ng iyong magiging asawa. Lagi dapat kayong magtiwala sa kakayahan ng bawat isa.
Ganoon naman talaga ang pag-aasawa, dapat ay nagsusuportahan kayo parehas at hindi nagkokompitensya. Hindi nasusukat ang wagas na pagmamahalan sa mga materyal na bagay na meron kayo o sa kung anong nakamit ng isa sa inyo.
Ang dapat na mangibabaw ay ang pagmamahal at pang-unawa sa isa't isa.
EmoticonEmoticon