Wednesday, January 6, 2021

Hinangaan Ng Mga Netizens Ang Batang Ito Dahil Sa Labis Na Pasasalamat Nito Sa Tumulong Sa Kanya

 

Image From: Jewel Calerio/ Facebook

Mas nakakataba ng puso na kapag ang taong iyong tinulungan ay kanya ka ring pinasasalamatan. Sa panahon ngayon, bibihira lamang ang mga taong marunong pang magpasalamat sa bawat biyayang kanilang natatanggap. 

Naantig ang puso ng netizen na si Jewel Caleria nang tinulungan niya ang isang bata na nanlimos sa kanya ng pagkain. Ayon sa Facebook post ni Caleria, isang bata ang lumapit sa kanila habang hinihintay nila ang pagkain na kanilang inorder.

Ayon sa kwento, nagpapabili raw ng pagkain ang bata sa kanila. Nang tanungin kung nasaan ang ina nito ay nasa tabi raw ng isang convenience store. Tinanong nila ang bata kung ano ang gusto niyang pagkain at sinabi na isang order lang daw at maghahati na lamang sila ng kanyang ina. 

"This kid approached us while we are waiting for our food to be served.

Kid: Ate, Bili mo po ako pagkain hati na kami ni mama.
Kurt: Asan mama mo?
Kid: Andun po sa tabi ng Mini Stop.
Me: Anong gusto mo?
Kid: Isang order lang po, hati na kami ni mama."

Image From: Jewel Calerio/ Facebook


Habang hinihintay nila ang kanilang order ay sinabi ng bata sa isang batang kasama niya, "Andameng tao ngayon noh? Pag akoo naging mayaman, TUTULUNGAN KO LAHAT NG MAHIRAP."

Ikinatuwa ni Caleria ang kanyang narinig lalo na pa't hindi ito nanlimos ng pera sa kanila. Ikinuwento pa raw nito kung saan siya lumaki at matagal na siyang nanlilimos pero pinaalis sila. At labis labis ang pasasalamat nito sa kanila. 

"Nakakatuwa lang, he never asked for money, tapos nag kkwento sya kung saan sya lumaki, na matagal na syang nanlilimos, kaso pinaalis sila. He thank us for so many times, as in kada mapatingin sya samin nag tthank you sya."

Dagdag ni Caleria na nakakataba raw ng puso, mas masarap mag share ng blessings sa mga ganitong tao.

"May Godbless you and answer your prayers, I hope to see you helping more soon."

Hinangaan naman ng mga netizens ang bata dahil kahit sa kanyang murang edad ay hindi lamang kanyang sarili ang kanyang inisip at marunong pag magpasalamat sa mga biyayang kanyang natatanggap.



EmoticonEmoticon