Photo credits: Renz Jay Tanginan/Facebook |
Hindi lang ang mga nagtatrabaho ang may karapatang mapagod. Maging ang mga estudyante ay napapagod rin lalo na ngayon na panay nakatutok sila sa kanilang mga computer, tablets, cellphone dahil sa mga online classes. Bukod pa riyan ay may mga assignments at projects din silang kailangang tapusin.
Ngunit minsan, may mga pagkakataon talaga na di maiiwasang antukin habang nag-oonline class dahil ang mga mata natin ay madali ring mapagod lalo na kung matagal kang nakatutok sa screen.
Samantala, ang estudyante na si Renz Jay Tanginan ay kinaaliwan sa social media matapos maibahagi ang kanyang larawan sa isang Facebook post dahil nakuhanan siyang natutulog habang sila ay nag-oonline class.
Photo credits: Renz Jay Tanginan/ Facebook |
Aniya sa caption, "May Zoom meeting pa pala nakatulog na ko."
Kakagaling raw lamang kasi niya noon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan na siya nakatulog ng mahimbing. Sa chat ay makikitang ginigising siya ng kanyang mga kaklase ngunit tila napasarap na ang kanyang pagpapahinga.
Hindi na raw niya namalayan na siya ay nakatulog habang sila ng kanyang mga kaklase ay nag-uusap usap on cam sabay inabutan na siya ng antok dala na rin ng puyat at pagod sa trabaho.
Isang working student si Tanginan at matagal na niyang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Bachelor of Science in Business Administration Major in Management ang kanyang kursong kinuha. At nagtatrabaho rin siya sa Veterans Gold Course sa may Mindanao Avenue sa Quezon City.
Ngayon pa lang nangyari sa kanya ito at di niya inaasahan na mag-viral ang kanyang larawan sa social media.
Photo credits: Renz Jay Tanginan/ Facebook |
Aniya,
"Nakakatawa, nakakatuwa na nakakakaba dahil sa isang iglap naging public figure na agad po ako. Ninais ko rin mag-viral pero di' sa ganitong paraan hahaha."
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.
"Sa literal na pasok sa school meron talagang mga working students na nakakatulog sa klase dahil sa pagod at mayroon tayong mga gurong nakakaintindi sa ganung mga bagay. Mag-aral ng mabuti kahit mahirap. Salute to all working students."
"Understandable, kid was tired from an all nighter. Appreciate the effort he is making it to class despite his work. Much better than those who are just making up lame excuses for not coming to their classes."
"Mahirap talaga pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho."
EmoticonEmoticon