Marami na ngang kwento ang ating narinig kung papaano naipakita ng mga guro ang kanilang dakilang pagmamahal sa propesyon at sa mga batang kanilang tinuturuan at inaalagaan.
Isa na rito ang guro na nagdesisyong gamitin ang sariling pera upang malagyan ng laman ang kumakalam na tiyan ng bata.
Siya ay nakilala bilang si Maisarah Hannan, school counselor sa St Cecilia’s Convent Secondary School ng Sandakan co. Malaysia. Bilang counselor ay sa kaniya madalas ilapit ang hinaing ng mga estudyante at karamihan nga sa kanilang suliranin ay ang kakulangan sa pagkain na siyang nagiging dahilan para hindi sila makapag-aral ng maayos.
Lubos na naantig ang puso ni Maisarah sa kaniyang mga narinig at batid niyang hindi niya kayang tulungan ang lahat ng bata.
Ganoon pa man, nagdesisyon siyang gamitin ang kaunting naipon niya para kahit papaano ay makabili ng mga grocery para sa mga mag-aaral. Kabilang sa mga ipinamigay niya ay bigas, isang tray ng itlog, de lata, facemask at noodles. Siya rin mismo ang nag-abot ng mga ito sa mga bata at bumyahe pa ng malayo para marating ang mga bahay sa kabundukan.
Napansin ng kapwa niya mang-gagawa sa paaralan na malaki ang ipinagbago ng mga bata matapos ang ginawang pagtulong ni Maisarah kaya naman sila man din ay nagtulong-tulong sa paglikom ng pondo upang mas marami pang kabataan ang kanilang matulungan.
Sa katagalan ay buong pamilya na rin ang kanilang napapakain at hindi lang ang mga estudyante na pumapasok sa paaralan.
Pinatunayan lang ng mga guro na ito na sila nga ay talagang pangalawang magulang ng mga bata at nagsilbi pang inspirasyon sa nakararami na ang pagtulong sa kapwa ay maaring mag-umpisa kahit sa pinakamaliit na kapamaraanan.
EmoticonEmoticon