Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook |
Ibinahagi ng netizen na si Kember Flores Casabuena ang 'ipon challenge' nilang mag-asawa. Aniya, sa isang episode ng palabas sa telebisyon na 'Kapuso Mo Jessica Soho' ay napanuod niya ang itinampok na 50 Pesos ipon challenge. Kung kaya't naengganyo siyang subukan ito.
Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng hindi paggasta ng mga Php50 na perang papel. Kwento niya,
"Ginawa muna naming invisible yung 50pesos at wala munang halaga sa amin ang 50pesos. Sa box pa ng sapatos ko unang nilagay at binalutan ko ng packing tape. At bago ko umpisahan ibinulong ko muna sa box na para sa bahay pang second floor."
|
Sa una raw ay ayaw pang subukan ito ng kanyang asawa ngunit nagpursigi talaga siya na gawin niya ito hanggang sa nahikayat niya rin ito. Ganoon rin daw ang ginawa ng kanyang asawa, kapag mayroong napagsusukli sa kanyang Php50 na papel ay itinatabi na nila ito upang ihulog sa kanilang alkansya.
Noong dumadami na ang kanilang naiipong papel na tig-singkwenta pesos ay inilipat na nila ito sa isang balde para mas malaki ang kanilang mapaglalagyan.
Naalala pa raw niya na kapag magbabayad siya sa tindahan, grocery o palengke na Php500 na buo at ipinangsukli sa kanya ay tig-sisingkwenta ay wala raw siyang choice kundi itago ang mga ito dahil kasama iyon sa pagdidisiplina nila sa kanilang sarili.
Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook |
Ang plano raw talaga kasi nila ay ipagawa ang second floor ng kanilang bahay. Pero dahil hindi nila kaya ang biglaang gastos kaya nila naisipang magipon muna. Wala rin daw kasi siyang trabaho sa mga panahong iyon at ang kanyang asawa naman ay nakakapag-extra extra lang bilang isang tiles setter.
Binawasan nila ang pagbili ng kanilang mga luho at kahit mahirap ay kinaya pa rin nila ito dahil sa kagustuhang mapagawa ang kanilang bahay.
"Masarap sa pakiramdam na kahit papano may naitatabi kang pera. Disiplina lang po sa sarili at pananalig sa itaas na tuloy tuloy ang biyaya at huwag din po ubos biyaya."
EmoticonEmoticon