Saturday, August 8, 2020

Inspiring Tricycle Driver, Napagtapos Ang Kanyang Mga Anak Bilang Dentista At Pharmacist


Photo Credit: Facebook/Marga Santiago Suoborin

Alam naman natin na hindi ganoon kalaki ang kinikita ng mga tricycle drivers. Ngunit mayroong mga ama na mga tricycle drivers ang nakapagpatapos ng kanilang mga anak sa kolehiyo bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiis sa kanilang trabaho.

Isa na namang ama na tricycle driver ang nagpa-inspire sa mga netizens matapos niyang maitaguyod ang kanyang mga anak at nakapagpatapos pa ang mga ito ng kursong dentistry at pharmacy.

Ibininahagi ni Dr. Marga Suoborin ang kwento kung paano naitaguyod ng kanilang ama ang kanilang pag-aaral hanggang makatapos sila sa kolehiyo at ngayon ay ganap ng mga propesyunal na dentista at pharmacist. 
Photo Credit: Facebook/Marga Santiago Suoborin

Ibinahagi ni Marga na noon ay pangarap niyang maging isang flight attendant, ngunti ang kanyang mga magulang ay may ibang pangarap para sa kanya. Ang kanyang ina ay balak siyang pakuhanin ng kursong accountancy dahil ito ang kanyang natapos. Ngunit ang kanilang ama ay gusto naman siyang maging isang dentista.

Ang kanyang ama ay nakapagtapos bilang isang marine engineer, ngunit mas pinili niyang mamasada at maging isang tricycle driver upang hindi siya mawalay sa kanyang pamilya. 

Noong ibinahagi ng kanyang ama na nais siyang pakuhanin ng kursong dentistry ay tumanggi pa si Marga dahil alam niya na ito ay isang magastos na kurso at baka hindi kayanin ng kanilang pamilya ang mga gastusin. 

Ngunit nangako ang kanyang ama na gagawin niya ang lahat para lang makapagtapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral. "Okay lang yan mag-enroll ka. Kaya natin yan. Pagsisikapan ko yan."

Photo Credit: Facebook/Marga Santiago Suoborin

Kaya naman simula noon ay talagang nagsumikap ang kanilang ama na makapagtrabaho at matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Alas kwatro pa lamang ng umaga ay nagtatrabaho na ito sa kanilang bukid at pagsapit ng ala-sais ng umaga ay mamamasada na ito.

Bawat barya ay kanyang iniipon para sa kanyang mga anak. Dumating pa ang mga oras na noon ay nangailangan si Marga ng P20,000 para pambili ng mga dental materials sa kanilang pag-aaral. At laking gulat niya na mayroon na agad nakahandang pera ang kanyang ama.

Kinalaunan ay natapos ni Marga ang kanyang kurso at naging isang ganap na dentista na siya. Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta sa kanilang pamilya ngunit malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang ama.

"My father is a farmer and a tricycle driver and he's my real life superhero. Nothing can change that, "wika niya.


EmoticonEmoticon