Monday, July 20, 2020

New Dorm na Itinayo ng DPWH para sa Quezon City Health Workers, Handa ng Matirhan!





Natapos na din sa wakas ang temporary dorm na titirhan ng mga medical health workers sa Quezon City kung saan hindi na sila kailangang umuwi sa malalayong lugar. Itinayo ng Department of Public Works and Highways ang dormitoryo para sa mga medical personnel ng Lung Center of the Philippines na nasa hospital compound ng Quezon City.

Para sa mga Lung Center doctors, nurses at iba pang medical staff ay hindi na kailangan pa nilang bumyahe papauwi lalo pa at pagod sila sa panggamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Ang bawat dormitorya ay makakapag-accomodate ng 32 personnels. Bawat cluster ng dorm ay mayroong 16 airconditioned rooms at mayroon ring double-deckna kama para sa dalawang tao. Bawat kwarto ay mayroon ring toilet at bath with heater.




Maaari ring gamiting isolation room ang dorm kung sakaling mayroong staff na under monitoring o kaya’y nagpapagaling na medical staff. Mayroon ring living room, complete with TV and sofa, common dining, labahan at kusina na mayroon ng appliances. Ayon kay Sec. Mark Villar, ang gobyerno ay tumutulong upang maibsan ang pang-araw-araw na pinagdadaanan ng mga medical workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang unit ng ‘We Heal As One Offsite Dormitory for Medical Personnel’.

Bawat Pilipino talaga ngayon sa panahon na ito ay makikitaaan ng bayanihan at pakikipagkapwa tao upang maging hakbang sa paglaban sa ating nararanasang pand3mya. Tunay lang na talagang ang bawat Pilipino ay nagmamahalan sa kapwa tao nila at alam natin na mapapagtagumpayan natin ang mga ganitong bagay! #WeHealAsOne #BangonPilipinas



EmoticonEmoticon