Usap-usapan sa social media ang “mahiwagang timba” na natatanggap linggo-liggo ng mga residente sa Sta. Cruz, Manila. Isang magandang ideya ang naisip ng mga opisyales sa Brgy. 362 Zone 36 District 3 in Sta. Cruz, Manila upang hindi na mamroblema sa pagkain ang mga residente doon at mapigilan rin ang palagiang pag-alis ng bahay.
Namimigay sila kada Sabado roon ng mahiwagang timba. Kung saan may laman itong sampung kilong bigas, tinapay, gatas, softdrink, canned goods, biskwit, noodles, dog food, isda at manok na sasapat sa buong linggo. Bukod pa rito, namimigay rin sila araw-araw ng merienda para sa mga residente.
Pagpatak ng alas 3 ng hapon ay nakaantabay agad ang mga residente sa kanilang pintuan upang mag-abang sa libreng merienda. Ayon kay barangay chairman Ann Christine Abella, ginagawa nila ito upang maiwasang magsilabasan ang mga tao sa kanilang komunidad at maging ligtas rin sila laban sa COVID-19. Magmula ng magsimula ang enhanced commmunity quarantine ay namahagi na rin ng face masks, face shields, vitamin C, bleach, at gloves ang barangay officials.
Kaya naman wala ng reklamo pa ang mga residente doon lalo pa at nakakatanggap sila ng sobra-sobrang tulong mula sa kanilang barangay. Ayon sa ulat ng Inquirer, umabot na ng 56 na beses nakapagbigay ng relief goods ang barangay sa Sta. Cruz, Manila. Saad ni Abella, ang tulong na kanilang ipinamigay ay hindi lamang galing sa kanilang pondo. Galing rin ang donasyon sa mga mabubuting city officials, concerned citizen, kanilang pamilya at mga kaibigan.
EmoticonEmoticon