Marami ang namangha sa mga pambihirang larawan ng sunset na inuploadng isang netizen sa social media. Dahil kasi sa angking ganda ng mga larawan, agad itong nag viral at umagaw ng pansin sa mga netizen. Kinunan naman ang mga naturang litrato sa Infanta, Pangasinan noong ika 16 ng Mayo 2020, dakong hapon.
Marami sa mga pinoy ang mahilig kumuha ng litrato sa mga bagay na sa tingin natin ay magaganda. Katulad na lamang ng pagkakahumaling natin sa tinatawag na landscape at nature photography kung saan bida sa larawan ang natatanging ganda ng kalikasan. Sa katunayan, isa sa mga patok na subject sa ganitong uri ng photography ay ang sunset o ang paglubog ng araw. Dito kasi tiyak na matutuwa ang iyong mga mata lalo na kapag napagmasdan nito ang unti unting pagiiba ng kulay ng langit.
Ganito ang pinakita samga larawan ng sunset na inupload ng netizen na si Mico Callanta sa facebook. Ayon kay Mico, kinunan niya ng mga litrato Sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan. Litaw na litaw ang makukulay na ulap at tubig na resulta ng pag lubog ng araw. Mistulang naging painting din daw ang mga larawan dahil sa angking natural na kagandahan nito.
Samantala, bumilib naman ang ilang netizens matapos Makita ang mga litrato ni Mico kaya maraming ring social media pages ang kaagad na nagrepost ng mga ito. Isa na rito ang The Philippine Star kung saan pumelo sa mahigit 12,000 reactions at 2,300 shares ang naturang larawan. Umani rin ito ngkaliwat kanang papuri mula samga netizens. Bukod pa rito, ibinahagi rin ng ilang netizens ang kani-kanilang mga pambihirang litrato ng sunset sa comments section. Marahil, patunay nga ito na totoong ipinapapaalala sa atin ng sunset na may magandang maidudulot ang pagtatapos ng ilang bagay sa mundo.
EmoticonEmoticon