Dahil sa banta coronavirus o CoVid- 19 at patuloy na pagtaas ng numero ng tinatamaan ng sakit na ito, nagpa-panic buying na ang mga tao sa iba’t ibang bansa ng mga first aid pangontra sa virus. Tumataas pa rin ang demand ng face mask dahil patuloy pa rin ang paglaganap ng coronavirus. Ngunit isang nakakabahalang balita ang bumulaga sa bansang Thailand matapos maiulat na nire-recycle pala ng isang factory ang mga gamit ng face mask.
Nitong Marso 3, ibinalita ng The Nation Thailand na nahuli ng mga kapulisan sa Saraburi ang mga workers kung saan naaktohan silang ginagamit ulit ang mga face mask. Ayon sa panayam ni Somsak Kaewsena, district chief officer ng Wihandaeng nakatanggap umano sila ng sumbong ukol sa pag-recylce ng mga mask.
Nasa anim na workers ang kanilang nadakip matapos nilang sugurin ang bahay na umano’y gumagawa ng pinagbabaw@l na pag-recycle ng face mask. Nakumpiska ng mga otoridad ang libo-libong face mask na nakasilid sa mga kahon. Umamin naman ang mga manggagawa sa kanilang kasalanan at umaabot pa nga raw ng 300 hanggang 400 na mask ang kanilang nire-recycle kada araw. Paliwanag pa nila, nilalabhan nila ang mga gamit na face mask at kapag tuyo na ay pinaplantsa na nila ito. Inilalagay nila uli ito sa mga kahon upang magmukhang bago ulit.
Ang may-ari ng bahay ay kinilalang si Jintana Namwichai, 47-taong gulang, na siyang kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awt0ridad. Saad ng isang manggagawa na binabayaran umano sila ng THB1 o katumbas ng P1.61 kada piraso. Ang ga nakulimbat na mask ay pinadala ng mga kapulisan sa Ministry of Commerce upang masuri at ma-imbestigahan kung saan nanggaling.
EmoticonEmoticon